GABBY CONCEPCION, PAMPAKALMA KINA BEAUTY GONZALES AT CARLA ABELLANA

GABBY CONCEPCION, PAMPAKALMA KINA BEAUTY GONZALES AT CARLA ABELLANA

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAGBABALIK-teleserye ang papable actor na si Gabby Concepcion via Stolen Life na ipalalabas na sa GMA. Makakasama ni Gabby sila Carla Abellana at Beauty Gonzalez na susubukang maging kontrabida sa tandem nina Gabby at Carla. Huling appearance ni Carla ay Ang action-fantaseryeng Voltes 5. Dito sa Stolen Life, magugulat umano Ang kanyang mga fans dahil sa ilang daring scenes nila ni Gabo (palayaw ng actor). Kuwento ng aming source, isang palabang Carla ang mapapanood sa drama seryeng pinamahalaan ng batikang si Direk Jerry Sineneng.

Maganda ang role ni Carla na bihira nitong gawin simula nang siya’y magpahinga pansamantala sa acting after her marital problem with ex na si Tom Rodriguez. Kaya lang, nalaman naming hindi ito pang-primetime viewing, instead sa panghapong program ito mapapanood. Sabi nga ng ilang netizens, umiiwas itong banggain ang lupet sa ratings ng Batang Quiapo. Kaya naman abangan ang Gabby-Carla chemistry na tiyak na inaabangan na ng madlang seryeng viewers

No description available.
No description available.

ANGELI KHANG, PALABAN SA WALANG HUMPAY NA SEXY SCENES

MARAMING nag-aabang sa sexy film na “Salakab”, starring Jojo Veloso’s talents na Sina Renz Sanggalang at Angeli Khang. Ayon sa tsika ng isa naming source, malapit-lapit nang i-classify as porn movie itong Salakab dahil sa walang humpay na hubaran, patungan at gulungan sa buhangin ng dalawang lead stars. Aminado naman si Benz na nagi-enjoy siya sa mga love scenes nila ng sexy star. “Maganda kasi si Angeli at sexy. Pito ang love scenes na ipinagawa sa amin ni Direk dito sa movie at wala akong masabi kay Angeli dahil di siya sumusuko, laban kung laban,” sabi ni Benz. On Benz’ part, nagdyi-gym daw ito para hindi kahiyahiya Kay Angeli. “Kailangan Kong maging kanasa-nasa,” sabay nitong biro. Sa mga gustong makauna at mapanood ang sexy film na Salakab, abangan daw ang anunsiyo kung kailan ito mag-aalab sa screen courtesy ng Vivamax. Tila unti-unti nang bumabalik ang era ng Bomba films sa pamamagitan ng Vivamax.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *