nakisabay sa usong hiwalayan blues sa showbiz…. JAMES REID AT ISSA PRESSMAN HIWALAY NA RIN, PAOLO CONTIS AT YEN SANTOS, SUSUNOD?

nakisabay sa usong hiwalayan blues sa showbiz…. JAMES REID AT ISSA PRESSMAN HIWALAY NA RIN, PAOLO CONTIS AT YEN SANTOS, SUSUNOD?

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

SUNUD-sunod na ang mga balitang hiwalayan among showbiz couples. At ang nakakalokah, mga sikat na celebrity couples ang sangkot. Unang celebrity couple na nabalitang hiwalay ay sina Kim Chiu at Xian Lim. Sumunod na pinagdududahang hiwalay na ay ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Labhati. Pangatlong celebrity couple na hiwalay na raw ay ang on-and-off screen loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At ang cause ng hiwalayan diumano ay third party. At ang latest na pinagpipistahan ng netizens na nag-split na rin ay sina James Reid at Issa Pressman.

Napansin agad ng mga marites sa socmed na inunfollow na nina James at Issa ang isa’t isa. Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa balitang pag-unfollow sa isa’t isa nina James at Issa. “Anyareee sa obsessed with each other lol” “Pati sa careless account nag unfollow na rin si issa” “Ooohh that didn’t take long.” May nang-bash kay Issa imbes na magbigay ng simpatya. Kasi feeling nila, si Issa ang dahilan ng hiwalayan ni James at real-and-reel screen partner “Hahahahhahahahahaha what goes around comes around” “Masyado kasi overwhelmed c girl sa interview pag nasa event sila, minsan lng kc mapansin.” “Paano na ang obsession nila sa isa’t isa at ung tiktok ni gurl na she’ll get engaged before the year ends” Ang iba naman may pagdududa sa pag-unfollow sa socmed ng magkarelasyon.

“Need ng ingay na naman” “Basic PR move kasi nilangaw yung bagong release song ni angkol” “Maniniwala na lang ako sa gimik nila kapag nagdelete na ng mga photos si gurl.” Habang ang iba ay natutuwa sa balitang hiwalayan nina James at Issa. “Buti naman hiwalay na sia. Nakaka umay si girl” “Promo ba? Pano na yung “All I want for Chrismats is you” ni ate girl di man lang umabot?” “Wala nmn nagexpect na tatagal sila” After nina James at Issa, ang inaantabayanan naman ng mga marites sa socmed na maghihiwalay ay sina Paolo Contis at Yen Santos, na kung saan ang tinuturong dahilan diumano ng hiwalayan ay ang Kapuso actress na si Arra San Agustin? Ganern?

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *