KIM RODRIGUEZ, RATSADA ANG BYUTI

KIM RODRIGUEZ, RATSADA ANG BYUTI

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

BAGO matapos ang taon ay sunod-sunod ang suwerteng dumadating sa kapamilya actress na si Kim Rodriguez. After nga nitong lumipat ng ABS CBN mula sa Kapuso Network GMA 7 ay nagkasunod- sunod na ang dating ng magagandang proyekto ni Kim mula sa Darna, Fractured at ngayon ay ang hit afternoon series na Nag Aapoy Na Damdamin kung saan pinuri ng netizens ang husay nitong pagganap bilang Sofia.

Bukod nga sa mga papuring natatanggap sa serye ay sunod-sunod din ang endorsement na dumadating dito. At isa na dito ang pagiging brand ambassadress nito ng Bagin Philippines. Kung saan kamakailan ay pumirma ito ng kontrata kasama ang Presidente Bagin Philippines si Mr. Cheng Zhao. Thankful nga daw si Kim sa Bagin Philippines sa pagkuha sa kanya bilang part ng kanilang family.

No description available.

SIMPLE pero very memorable na ipinagdiwang ang 37th anniversary ng Intele Builders and Development Corporation na pag-aari ng mag-asawang Pedro Bravo at Ma. Cecilia. Kung saan nag silbing host si Russel Lim, habang nagbigay kasiyahan naman sina former Miss Saigon Ima Castro, Asia’s Trans Dual Diva Sephy Francisco, Bidaman at Its Showtime Online Host Wize Estabillo, Supremo ng Dance Floor Klinton Start, singer & composer Jopper Rill, La Familia Band, Jovan Dela Cruz at Bravo’s Angels.

Present din ang mga anak nilang sina Anthony, Jeru, Maricris, Miguel at Matthew. Dumalo din sina Dj Janna Chu Chu ng Barangay LSFM, Ralston Segundo, Raymund Saul, Niño Angeles, Benjamin Montenegro, Xiantell Montenegro, Wilson Ong and Kids, Erlinda Tagle, Theng Corbe, Mark Lua, Angelo Luna, Atty. Liz Besas, Conrado Besas, Otek Lopez, Zach Zion, Des Escubedo, Aian Lazaro, Apple Lazaro, Arwin Rodrigo atbp.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *