on board Korean Airline…. ARCI MUNOZ, NASALISIHAN NG ISANG GUY HABANG TULOG

on board Korean Airline…. ARCI MUNOZ, NASALISIHAN NG ISANG GUY HABANG TULOG

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NANAKAWAN si Arci Muñoz while on board Korean airline pabalik ng Manila from Japan. May gumetlag ng luxury bag ni Arci habang natutulog sa eroplano. Naalimpungatan na lang si Arci nu’ng maramdaman na may lalaking nakatayo sa tabi niya while resting sa kanyang cubicle sa business class. At nagkunwaring may kinukuhang magasin ‘yung lalaki sa cubicle ni Arci. Mabuti na lang at may babaeng foreigner ang nagtanong kay Arci kung kilala nya ‘yung lalaki. Sinabi ni Arci na hindi niya kilala ‘yung lalaki. Kinumpronta nu’ng foreigner na babae ‘yung lalaki at saka tinanong bakit nito ginagalaw ang luxury bag ni Arci.

Nagulat si Arci nu’ng malaman niya na nawawala ang kanyang bag. Hanggang aa makita na lang niya ang kanyang bag sa sahig malapit sa aisle. Hindi agad tsinek ni Arci ang kanyang bag kung may nawala o nakuha na gamit niya ‘yung foreigner. Na-amazed din si Arci sa hitsura nu’ng guy na nakaporma to the max with matching luxury brands ang suot nito sa katawan. After two days ay may notifications na natanggap si Arci from her bank that someone is using her card. Buti na lang daw at maagap ang bangko ni Arci sa pag-inform sa kanya. In-exposed ni Arci ang nangyari sa kanya sa Tiktok para malaman daw ng marami ang bago (o dati pa?) pang modus ng mga magnanakaw. Kalurks dahil level up na pala ang mga magnanakaw ngayon.

Totoong level-up kasi sa himpapawid pa sila nagnanakaw, huh. Caption ni Arci, “Horror Story In The Sky. @Korean Air hope to hear from you” Pero ang netizens imbes na maki-simpatiya sa kanya mas pinansin pa ang kanyang hitsura. “Mukha niya. But it doesn’t mean I don’t have any care concern sa nangyari sa kanya. Kasi, it can happen to me and anyone. Kaya nga napatingin sa post na ito dito kay FP.” “Mga sabaw ang taong mapagpuna sa physical na anyo ng tao. Karma is digital” “She’s making this video more for the content. Remind nya muna sarili nya before reminding others. Check muna sarili nya before blaming korean air” “True. Walang delikadesa mga tao and ang babaw” So, there.

No description available.

NAG-uumapaw na kilig at suspense ang nararamdaman ng mga manonood sa kwento nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano) kaya naman no.1 pa rin ang Can’t Buy Me Love sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines ngayong araw at tumabo na sa higit sa 500 million views ang serye sa Tiktok noong Nobyembre 1. Isa pa rin sa most watched series sa iWantTFC sa nakalipas na apat na linggo. Hindi rin nawawala sa Twitter trending topics at patuloy na pinag-uusapan ang serye gabi-gabi. Ngayon nga unti-unti nang nalalaman ni Caroline ang impormasyon tungkol sa tangkang pagpapa-kidnap sa kanya ng kanyang kapatid.

Sa tulong ni Bingo, nakahanap ng pruweba si Ling na magagamit kay Irene (Maris Racal). Mukhang hindi pa naman ligtas ang kanyang buhay sa mga misteryosong taong patuloy na nagmamanman sa kanyang galaw. Samantala, tuloy-tuloy ang problemang kinahaharap ng pamilya ni Caroline. Matapos nilang madiskubre ang pagiging babaero ni Edward, na-hack naman ang bangko ng kanilang kompanya. Ngayong babalik na sa mansyon si Ling, tuluyan na kayang maputol ang ugnayan nila ni Bingo? Mabayaran na kaya niya si Bingo at mapatunayang si Irene talaga ang nagpadakip sa kanya?

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *