OGIE DIAZ, FAKE NEWS FEDDLER NGA BA?

OGIE DIAZ, FAKE NEWS FEDDLER NGA BA?

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

MARAMING KathNiel fans ang pumalag sa ibinalita ng YouTube vlogger na si Ogie Diaz last November 8 nà hiwalay na umano ang magkasintahang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa nasabing balita, dawit umano ang aktres na si Andrea Brillantes sa espekulasyong suma-sideline daw si DJ (palayaw ni Daniel) kahit pa gf na niya noon si Kathryn.? Sabi pa, sikreto daw nakikipagkita ang actor kay Andrea? Sa X (dating Twitter) tinawag ng KathNiel fans si Ogie bilang ‘fake news peddler’ dahil wala naman daw katotohanan ang kanyang ibinalita.

Sa kanyang YouTube vlog last November 12, sinagot ni Ogie ang mga KathNiel fans na kumukuweatiyin sa kanyang ibinalita at inaakusahan siyang ‘fake news peddler’? Depensa pa ni Ogie hindi naman daw sa kanya nanggaling ang haka-haka tungkol sa hiwalayan ng dalawa? “Yung fake news na sinasabi nila, wala naman kaming binanggit dito na kinonfirm namin ang isang balita tapos mali pala? May kinonfirm ba kaming balita dito, pero pinaninindigan namin ang balita, tapos fake news pala ang ending?”, depensa ni Ogie. Ayon naman sa co-host ni Ogie na si mama Loi, kanila ring nasagap ang balita sa kanilang source? Ayon pa kay Ogie madalas din daw silang makasagap ng mga tsismis.

Anila’y hindi daw kumpirmado ang mga nasasagap nilang balita gaya ng hiwalayang Kathryn at DJ ng dahil Kay Andrea Brillantes? Ani Ogie, “Ang ikinakalat namin ay sana hindi totoo(ang tsismis) at làging ‘hindi pa ito confirmed’.” Ipinagdiinan pa nito na hindi galing sa kanila ang tsismis. At kung ibinabalita nila ang mga nasasagap na balita from their sources, hindi nila ito kinukumpirma kung totoo ba ito o malii? Sa kabilang banda, pinabulaanan di ni Daniel Padilla ang balitang hiwalay na sila ni Kathryn. Ibinahagi ni DJ sa kanyang Instagram story ang gf sa Preview kung saan online cover si Kath ngayong buwan ng November.

Sa video na in-upload ng Preview sa Instagram, makikitang masaya si Kathryn habang inaayusan. Ni-like ito ni Daniel bago ilagay ito sa kanyàng Instagram story with matching animated photo ng pusa na katunog ng pangalan ni Kathryn na “Kath”. Dahil dito naibsan ang pag-aalala ng kanilang fans. Ikinatuwa din ng KathNiel ang pagiging concern ng actor sa girlfriend. Tweet Ng Isang fan: “Supreme idol Daniel Padilla debunked all the break-up allegations thrown against him and girlfriend Kathryn Bernardo. Tama na sa ‘fake news’!

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *