MARICEL SORIANO, NAGIGING EMOSYONAL KAPAG ANG INA NA ANG PINAG-UUSAPAN

MARICEL SORIANO, NAGIGING EMOSYONAL KAPAG ANG INA NA ANG PINAG-UUSAPAN

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

FIRST time na nagkasama sina Maricel Soriano at Roderick Paulate sa Isang drama movie sa pelikulang “In His Mothers Eyes”. Magkapatid ang role ng dalawa kung saan may isang anak si Maricel na isang autism na ginagampanan ni LA Santos. All throughout the movie ay serious drama ang pelikula kaya parang ang hirap buoin since kapwa masayang magkasama ang dalawa sa set. Sabi ng Diamond Star na si Maria, ibang level ang husay ni Roderick bilang aktor. “Bilib ako kay Dick bilang aktor. Napakagaling niya sa comedy at sa drama. Maiiyak ka pag nagda-drama na sya Lalo na pag nagtwist na yung Ilong at huminga, yun na! “, sabi ni Maricel.

Galing na galing din siyempre si Roderick kay Maricel at sobrang bilib na bilib ito bilang kaibigan “One time, may lakad ako, alam nyo na nagbibinata, so gigimik. Hahanapin ako niyan, magtatanong kay Mama, si Mama naman, alam na nya eh, kaya sasabihin niya; “Ay, hindi ko alam”. Itatanong ni Maria kung anong suot kong sapatos at alam na nya kung saan ako pupuntahan. “Maya maya lang, may lalapit ng guard sa akin at sasabihin may naghahanap sa akin sa labas, si Maria, naka- pajama pa sya, huh! Pauuwiin niya ako dahil kung hindi, magwawawala daw sya dun at hihiga sa floor. Syempre wala kang choice uuwi ka na lang. Sakay ako sa kotse nya at uuwi na kami. May pagka-selosa bilang kaibigan si Maria. But she’s very loving and caring. Gusto ko naman yun. Hanggang ngayon nga dala dala pa niya, maasikaso. Like yung lalagyan ka ng tuwalya sa likod, paglalagay ng pulbos, mga ganyan. Eh, hindi na kami bata pero ganun pa rin sya”, wika ni Roderick.

” Mahal ko kasi si Dick. Parang kapatid ko iyan hindi lang kami magkamukha ( laughs) . Nagkakatampuhan kami pero saglit lang at maliit na bagay. Yung pinakamatinding away namin, nagpunta kami sa malayong lugar, dun kami nag-usap at nagkaayos”, sabi ni Maricel. Kapwa naging emotional sina Maricel at Roderick nang matanong tungkol sa mga Ina kung ano yung mga memories nila nung nabubuhay pa ang mga ito. Kapwa kasi ulila na ang dalawa. Sabi ni Maricel; “Kung nabubuhay si Mommy Linda, ibibigay ko lahat ng gusto nya. When I lost my Mom, feeling ko gusto ko na ring umalis eh. Kasi lahat ng ginagawa ko para sa kanya at sa mga anak ko, eh. Lagi nyang sinasabi, magtitira ako sa sarili ko. Napanaginipan ko nga sya, bumukas ang pinto, Sabi ko wow bongga ka pa din. Kahit andyan ka na, bakla ka pa rin. Mga magagandang bagay na lang ang gusto Kong isipin. Sabi nila, I will get used to it eh Nanay ko yun eh, hindi ganun na basta makakalimutan ko sya hanggang ngayon at forever na iyon.”

Sabi naman ng mahusay na aktor na si Roderick; “Sobra ang pagmamahal ko sa mom ko. Simpleng buhay lang meron kami noon. Best child actor na nga ako inuutusan pa nya ako eh. Selosa din sya. Takot na takot na baka mawala ako. Na baka mag-asawa na ako nang maaga. Ayaw niya nun. Sinasabi ko na hindi ko sya ipagpapalit sa iba. Nung nawala na sya, it’s not the same anymore. Wala na yung nanay mo. Hinahanap-hanap mo yung ginagawa nyo pag magkasama kayo, sa bahay, sa mga travels namin. Wala na. Kaya sinasabi ko sa mga kapatid ko na panoorin itong pelikula kasi pampamilya. Napakagandang pelikulang para sa pamilya.

No description available.

LA SANTOS, MAKE-UP ARTIST ANG KANYANG MADERAKA

NAPAKA-challenging naman ng first big break sa movie ni LA Santos. Anak ni Maricel na may autism ang role ni LA at upang ma-guide ng husto si LA ay nakatutok sa kanya ang award winning aktres na si Ruby Ruiz. Sa kabuuan ng pelikula ay nabigyan ng justice ni LA ang kanyang papel. Maging sina Maricel at Roderick ay hanga kay LA. “Magaling ang anak ko. Magaling sya. Sa marami naming eksena, pinaiyak nya ako. Malayo ang mararating niya. Mabait pa at guwapo pa”, sey ni Maria. “Mahirap yung role niya lalo na pag sinusumpong na sya ng sakit niya. He’s very good for a newcomer. Nag-aral ang bata ng homework nya”, sey naman ni Roderick.

Siyempre super happy si LA sa mga papuring yun sa kanya. Hindi lang mahusay na aktor si LA, magaling pa syang singer. Kumanta pa nga siya sa presscon to the delight of everybody . Gaya nina Maricel at Roderick, emosyunal din si LA nang matanong about his mother. “Si Mama , super love ko iyan. Sya ang nagmimake-up sa akin . Gusto nya pag lalabas ako nakamake-up ako. Siya lang lagi ang nagmi-make up sa akin kahit saan. Thankful ako sa kanya sobra dahil sa pelikulang ito. Hindi ko ma-imagine na magbibida ako at kasama ko pa ang Diamond Star Inay Ms Maricel Soriano at ang napakahusay na aktor na si Kuya Roderick Paulate. Hindi ko talaga kinakaya na sila ang kasama ko. Starstruck ako nung una pero kailangang galingan ko para makasabay ako sa kanila. Salamat kay Direk FM Reyes sa guidance sa acting ko at kay Tita Ruby Ruiz. Sana po, nagustuhan nila at nagampanan ko ng tama ang trabaho ko,” wika ni LA. Magiging isang malaking bituin si LA at bet namin sya to be the next major star of 2023

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *