RODERICK PAULATE, TIME OUT NA MUNA SA POLITICS

RODERICK PAULATE, TIME OUT NA MUNA SA POLITICS

No description available.
No description available.
No description available.

SAMANTALA, pahinga raw muna si Roderick Paulate sa politics. Nag-concentrate muna siya sa showbiz. Ito naman talaga ang kanyang first love. “Ito ‘yung forever na love ko!” simula ni Kuya Dick. “Puwede kong iwanan ang politics pero hindi ko puwedeng iwanan ang showbiz, dito na ako lumaki. Mahal na mahal ko ‘to,” ani pa Kuya Dick. Lumaki sa showbiz ang magaling na aktor/comedian. Sa “In His Mother’s Eye’s”, balik-tambalang Roderick-Maricel Soriano sa pelikula.

Nagsama sila sa mga pelikulang “Gorio & Tekla”, “Jack En Poy” at Inday Inday sa Balitaw”. Ano kaya ang sey ni Kuya Dick na inisnab ang kanilang movie na “In His Mother’s Eyes” sa Metro Manila Film Festival 2023? Ayon sa magaling na aktor, nalungkot siya lalo pa nga’t intended talaga ang “In His Mother’s Eyes” para sa MMFF. “Kaya lang, ganu’n talaga ang buhay, e…. may nananalo… may natatalo, parang ganu’n. Para sa akin… sana, ‘no… kung nakapasok. Pero kung hindi… may ibang plano ang Diyos sa amin. Puwedeng blessing-in-disguise, di ba? itong showing date na napili namin sa 29, e mas makatulong at mas maraming audience. “Ang akin lang naman, e, basta nandidiyan yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula.” Dagdag pa ng aktor, “Hindi lang naman ‘yung pelikula namin… lahat ng pelikulang Pilipino… dapat magtulungan tayo. Kasi bukod sa pagiging artista hindi lang po yun ang mahal ko, mahal ko po ang industriyang ito, mahal ko ang pelikulang Pilipino!”

No description available.

LA SANTOS, NAKIPAGSABAYAN SA AKTINGAN

MARAMING naapektuhan at napaluha sa grand mediacon ng “In His Mother’s Eyes”, kamakailan sa Oriental Palace, Morato Avenue, Quezon City. Teaser pa lang mapapaiyak ka na. Naiyak kasi ang bidang si LA Santos habang kinukuwento tungkol sa kanyang ina (Mommy Flor Santos). Naluha rin si Roderick Paulate, naialala ang kanyang inang namayapa na nu’ng bata pa siya (3 years old) kasa-kasama niya sa kanyang mga shooting.

Dinaan naman ni Diamond Star Maricel Soriano sa kuwento. Pero sobrang miss niya ang kanyang mahal na ina namayapa na. Ang “In His Mother’s Eyes” ay tungkol sa pagmamahal ng ina sa kanyang anak na dinirek ni FM Reys na umiyak din. Nakisabayan sa aktingan si L.A. na may Asperger’s Syndrome na kondisyon niya bilang Tim kina Roderick at Maricel. Bukod kina Kuya Dick (palayaw ni Roderick), Maricel at LA kasama rin sina Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Maila Gumila, Vivoree Esclito at iba pa. Handog ng 7K Entertainment. Palabas na sa mga sinehan sa Nobyembre 29.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *