week after dukutin sa mismong tahanan… AZENITH BRIONES, HINDI PA RIN NATATAGPUAN

week after dukutin sa mismong tahanan… AZENITH BRIONES, HINDI PA RIN NATATAGPUAN

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NANAWAGAN ang aktres na si Isabel Rivas sa publiko para sa nawawala niyang kaibigan na si Azenith Briones sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Ayon kay Isabel, dinukot si Azenith sa kanyang bahay. Ilang araw ng hinahanap ng kanyang mga kaibigan si Azenith pero hanggang ngayon ay ‘di pa siya nakikita. Nagsimula raw mag-alala si Isabel nu’ng nakita nya ang isang post sa kanyang wall sa Facebook na may account name na Paul Macasiano.

“I have talked to the proper authorities & we, her friends, will do everything we can to get her out where they are keeping her. She is not an addict, not alcoholic, not addicted to gambling & definitely not mentally challenged nor crazy as others claim. She is in her best state at 67 years young but yes she’s going thru heartbreak’s bcuz of family issues. May God protect her wherever they are hiding her, give her strength & hope. May our authorities help Azenith Briones in her time of need. This is one of her lowest times after her husband died trapped in a casino years ago. No mother deserves to be treated like this. I plead to her family to pls help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time,” mensahe ni Isabel sa kanyang FB post.

Humiling din ng panalangin si Isabel para kay Azenith at ipinaalam na pati ang Facebook page ng kanyang kaibigan ay nabura na rin. Si Azenith ay paboritong leading lady ng mga sikat na action stars dati gaya ni Fernando Poe Jr., Lito Lapid at Rudy Fernandez. Nabalitaan daw nu’ng Paul Macasiano na pinasok ang bahay ni Azenith at saka dinukot ng apat na kalalakihan bandang alas-dyes ng gabi. Wala pa raw nakaalam kung ano ang nangyari kay Azenith for almost a week now.

Last month daw ay humingi ng bodyguard si Azentih sa kanya. Pero pinagpa-bakasyon niya ng isang linggo noong magpunta si Azenith sa Davao. Halatang sinabayan daw ng mga dumukot kay Azenith ang pagbabakasyon ng mga bodyguard niya. Bago ang pagkawala ni Azenith, ini-report pala niya ang kanyang anak sa show ni Raffy Tulfo. Nadiskubre ni Azenith na nag-withdraw ng P4M ang anak niya ng ‘di niya alam. Nagalit si Azenith at agad na pinasara ang kanyang bank account. Doon na raw nagsimula ang pagbabanta sa buhay ni Azenith. At pinipilit pa raw siya ng kanyang anak na ibigay na ang kanyang mana kahit ‘di pa patay si Azenith. Narinig pa raw ng driver ni Azenith na sumisigaw at humihingi ng tulong.

No description available.

WHEN VILMA SANTOS MET MARICEL SORIANO IN KAPAMILYA STUDIO

NAGKITA-kita ang mga bida ng “In His Mother’s Eyes” na sina Diamond Star Maricel Soriano at Roderick Paulate, at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa dressing room ng ABSCBN. Walang tigil ang biruan, harutan at yakapan nina Ate Vi, Dick and Marya sa video ng pagkikita nila na naka-post sa Facebook account ng Star for All Seasons. At doon napag-usapan ang kani-kanila nilang mga pelikula. Kasama rin nina Ate Vi, Dick and Marya si LA Santos na bida rin sa “In His Mother’s Eyes” sa loob mg dressing room at nasaksihan ang super gandang friendship ng tatlong malalaking artista sa showbiz.

Sa ginanap na mediacon ng “In His Mother’s Eyes” ay natanong si Roderick kung ano ang reaksyon niya at ang movie ni Ate Vi na “When I Met You in Tokyo” ay napili bilang isa sa official entries ng parating ang Metro Manila filmfest at ang sa kanila naman ni Marya ay hindi nakasama. “Iba naman ang kategorya noon (Ate Vi), “ sabi ni Roderick.

Pero hindi naman makapaniwala si Ate Vi na kambal ang role nina Marya at Roderick sa “In His Mother’s Eyes.” At doon na nagtuksuhan muli ang magkakaibigan. Anyway, ipapalabas ang “In His Mother’s Eyes” sa November 29, Huwebes, sa mga sinehan. Ang mahusay na direktor ng sikat na drama series sa Prime Video na “Linlang,” walang iba kundi si FM Reyes ang direktor ng “In His Mother’s Eyes.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *