GERALD MASAYA SA TAGUMPAY NG EX DYOWANG SI KIM CHIU

GERALD MASAYA SA TAGUMPAY NG EX DYOWANG SI KIM CHIU

May be an image of ‎1 person and ‎text that says '‎Showbiz PAMORE 2اد BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com‎'‎‎
No description available.
No description available.

SA isang interview ni Gerald Anderson, hindi niya itinago ang paghanga niya sa layo na ng narating ng showbiz career ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu. Nakarating kay Gerald na pumatok ang seryeng Linlang na pinagbidahan ni Kim. Hindi raw ito kataka-taka para kay Gerald, dahil noon pa man daw, ay nasaksihan niya kung paano magtrabaho si Kim. Sabi ni Gerald, “Nakakatuwa kasi narinig ko na parang ibang Kim ‘yung nakikita nila. Pero I’m happy for her because talagang ‘yun ‘yung perfect word—hard worker talaga yun. And siyempre nakaka-inspire yan, di ba?” Nabanggit din ni Gerald ang pagiging kuwela ni Kim pagdating naman sa pagiging co-host sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime. “Paganun-ganun lang siya sa Showtime, di ba? But grabe yun. Fighter yun. Palaban yun. And she works really hard. So, yung success na meron siya ngayon with this show, she deserves it,” aniya pa.

No description available.
No description available.

MGA PABORITONG PELIKULANG NAGAWA NI MARICEL SORIANO

SA guesting ni Maricel Soriano sa YouTube channel ni Aiko Melendez, tinanong ng huli ang una, kung ano ang pinakapaborito nitong pelikula sa rami ng mga nagawa niya, ang sagot ni Maricel, “Una, ‘yung Kaya Kong Abutin ang Langit. ‘Yung ayoko ng putik (dialogue ni Maricel sa isa sa mga eksena niya sa pelikula).Tapos, gusto ko rin ‘yung Dahas, with Chito Rono (direktor ng pelikula na kapareha niya si Richard Gomez) Gusto ko rin ‘yung pelikula kong Abandonada with Joel Lamangan.”

Sa Abandonada, ay nakasama rito ni Maricel ang ex-husband niyang si Edu Manzano with Angelu de Leon. Ang isa pa sa binanggit ni Maricel na paborito niya ay ‘yung Filipinas, na kasama rito si Ako. Gumanap sila rito bilang magkapatid dito. Na nang marinig ni Aiko na binanggit ni Maricel ang Filipinas, sabi niya kay Maricel, “Oo ‘Nay,ang galing-galing mo ru’n. Grabe! ‘Kinwento ko rin sa vlog mo ‘yung eksena na lahat kami namangha sa ‘yo, dahil tuhog ‘yung eksena na napakahaba na ‘yun. Only you can do that,’Nay” Mapagpakumbaba namang sabi ni Maricel, “Hindi naman! Lahat din naman kayo run magagaling kayo,no!”

Ang Filipinas ay isa sa naging entry sa Metro Manila Film Festival 2003. At talagang mahusay dito si Maricel, huh! In fact, siya ang tinanghal na Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF. Ito ‘yun pelikula kung saan may dialogue si Maricel na, “Walang Bagong Taon! Walang magbabago sa pamilyang ito! Wala!” Nagbalik-tanaw naman si Aiko noong mga panahong tinalikuran pansamantala ni Maricel ang showbiz. Na ayon kay Maricel, ang dahilan ay ang pagkawala ng pinakamamahal niyang ina na si Mommy Linda, na itinuturing niyang Wonder Woman ng kanyang buhay. “Ang hirap Aiko. Ang hirap mawalan ng isang ina,” ang malungkot na sabi ni Maricel.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *