may sakit sa buto sa paa… ANGELICA PANGANIBAN, MAY TSANSANG DI NA MAKAKALAKAD?

may sakit sa buto sa paa… ANGELICA PANGANIBAN, MAY TSANSANG DI NA MAKAKALAKAD?

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

KUNG totoo man itong sakit ni Angelica Panganiban ay nakakatakot pala na malaman mo na darating ang panahon na di na makakalakad ang aktres, dahil sa unti unting kakainin ang buto mo habang tumatagal na kung tawagin ay Avascular Necrosis o sa simpleng termino ay Bone Death. Pagpatay ng kabutuhan sa paa, ayon sa kanyang vlog. Noong isang araw ay nahihirapan na sa paglakad ang magaling na aktres at komedyante. Lalo pa mahilig ito sa outing sa mga magagandang pasyalan. Isa sa mga di na magawa ni Angelica ay ang pagswimming, na isa sa kanyang paboritong gagawin pag nasa resort. Awang+awa ang mga nagmamahal sa kanya lalo pa gusto nitong magpapayat pero di na ito makapag workout dahil nanghihina na ang kanyang paa. Halos unti unting nawawalan ng lakas ito lalo na sabandang parte ng kanyang balakang, na unang nakakaramdam ng kanyang paghihirap sa paglakad.

Sabi pa nito sa kanyang blog bakit daw nangyari ito sa kanya at sa dami ba naman ng tao siya pa ang nabigyan ng ganitong sakit na walang gamot. Kaya naawa mismo si Angelica sa kanyang sarili dahil mga doktor ay walang magawa para magamot itong kakaibang sakit na dumapo sa aktres. Biglaan na lang daw ito na dumating sa kanya lalo noong pinanganak niya ang kanyang anak na si Amila Sabine, parang ito ang naging sanhi ng pagsakit ng kanyang hips na wala ng dugong dumadaloy sa kanyang mga buto dahil sa panganganak niya sa kanyang panganay. Madami din ang nakapansin sa aktres na paika ika itong maglakad lalo na noong nasa Palawan ito habang nagbabakasyon kaya nagpa theraphy agad ito pero lalong lumala ang kanyang pakiramdam. Hayun nga nalaman ng espesiyalista sa buto na wala ng pag asa pang maibalik ang kanyang dating hips.

Unti unting namamatay na at nauubos lakas niya sa balakang. Kaya sa ngayon posibleng di na ito makalakad kahit pa anong gawin ng mga doktor, mukhang malabong magawan ng paraan dahil sa mga di maiwasang pangyayari na di rin maipaliwanag ng syensya sa ngayon. Baka hip replacement ang kanyang pag-asa kung makahanap si Angelica ng may ka-match ng kanyang buto.

No description available.
No description available.

HERLENE BUDOL,’NANLALAMON’ NA NGAYON NG KAEKSENA

GRABE na kung umakting itong si Herlene ‘Hipon’ Budol talagang mabubudol ka sa kahusayan nito sa kanyang role sa Black Rider. Binuhos na yata ni Herlene Budol ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Aba, kung di ka naman pagbantaan ng sariling manager na iiwan na sa ere itong si Hipon baka hangang sa ngayon nag-attitude pa ito, lalo na malakas ang balitang ayaw na siyang hawakan dahil panay ang late sa mga shooting at nagdiva divahan daw ito, na naging sanhi kung bakit di matuloy-tuloy ang taping sa kanyang serye.

Bumawi nga sa kanyang pagkukulang ang starlet host na itey, hayan halos ilampaso na niya ang kalabang mga show sa kabilang parlor at least napansin na relatable din ito sa pakabogan ng adlib sa kapwa artista. baka nga extend ang kanyang role lalo pa nanlalamon ngayon si Hipon girl. Natural lang pagiging palengkera nito sa set lalo pa ganyan kung magsalita kaya maayos niyang naitawid ang pag arte na di na kailangan pang turuan mag-emote. Sana ganito na lang lagi ang pagganap ni Herlene para naman consistent ito kung pisikalan ang labanan. Dito yata ulit mapapansin ang kanyang forte na kanyang-kanya ang tatak.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *