ARA MINA, FEEL NANG MAGBUNTIS NEXT YEAR

ARA MINA, FEEL NANG MAGBUNTIS NEXT YEAR

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.

AYON kay Ara Mina,handa na raw siyang sundan ang kanyang daughter na si Mandy na anak niya sa Bulacan mayor na si Patrick Meneses. Aniya, excited na raw siyang sundan ang kanyang panganay lalo pa’t hindi na rin daw naman siya bumabata. Dagdag pa niya, hindi na raw niya paaabutin na ng 2025 ang kanyang plano kaya balak niyang next year ay magbuntis na sa mister na si Dave Almarinez. Pagbabahagi pa niya, sa huling check up daw naman niya ay wala raw namang problema ang kanyang matris. Kung sakali raw naman na hindi uubra ang pregnancy through natural means, puwede raw naman niyang i-consider ang IVF o in vitro fertilization. Gayunpaman, hindi raw pumasok sa utak niya ang pregnancy through surrogacy.

Kaya naman daw ratsada siya sa kanyang trabaho sa kasalukuyan bilang host ng “Magandang ARAw” at bilang isa sa entertainment heads ng NET25 Star Center Management. In the meantime, isa ang Millennium Goddess sa special guests sa bagong online entertainment show na Glitter Entertainment Chatter Show na magsisimula nang mapanood sa Glitter Channel Facebook Page. Kasama rin ng magaling at award-winning actress ang showbiz Guru na si Ms. Aster Amoyo sa pilot episode.

Ang main hosts ng show ay ang Star Magic artist, MYX VJ host, at dating 2019 Mutya ng Pilipinas winner Aya Fernandez at Gleam artists at singer/actress/host Sofi Fermazi, pati ang promising actresses at model hosts na sina Nicky Gilbert, at Celyn David. Bilang artista na ng ilang dekada at host ng sariling lifestyle show, nagbigay naman ng tips ang aktres sa mga showbiz newbies. “Just be yourself and be professional.

Huwag din ninyong kalilimutan ang mga press dahil sila ang tumutulong sa atin through their writeups. Sila iyong katuwang natin sa industriyang ito,” ani Ara. Tampok din dito ang mga latest tsika in tinseltown sa ating mga paboritong local at international GB celebrities na bubusisiin ng featured hosts. Magbibigay din ito ng updates tungkol sa latest trends sa sa local at international music at concert scene.

No description available.
No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *