after Bea Alonzo… SANYA LOPEZ, BAGONG LEADING LADY NI ALDEN RICHARDS

after Bea Alonzo… SANYA LOPEZ, BAGONG LEADING LADY NI ALDEN RICHARDS

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

MADAMI na ang excited na mapanuod ang bagong nilulutong teleserye ni Sanya Lopez na Pulang Araw na isang japanese historical series na pinagbibidahan nina Alden Richards, Barbie Forteza at David Licauco. Isa ito sa pagsasama ng mga malalaking bituin ng Kapuso kaya sa ngayon palang ay siniguradong papatok ito sa masa lalo pa may kanya kanyang tagahanga na ang mga kapuso stars na sumusubaybay sa kanilang mga teleserye.

Umaasa ang GMA na makabawi ang tambalang Barbie at David sa teleseryeng ito lalo pa di masyadong tinangkilik ang huling pinagsamahan nito na umabot lang ng ilang linggo at hayun pinatay na lang sa ere keysa malugi ang producer nito na nanghihinayang dahil di nabawi ang kanilang pinuhunan.

Si Alden nalang pag-asa na makaahon at makatawid ito sa ratings lalo pa napatunayan naman ni Alden Richards na kahit mag isa lang siya ay makahatak ito ng mga Kapuso na suportahan ang mga teleserye at pelikula niyang siya mismo ang nagproduce. Real superstar nga si Alden lalo pa nagmarka na siya bilang endorser at heto nga sila ni Sanya Lopez ang niluluto ngayon sa GMA na malakas din ang hatak sa masa lalo na nung First Yaya kaya malamang magiging hit ang teleserye na Pulang Araw.

No description available.

MAS inaabangan pa ang tambalang TimPoch ng Senior High na ginampanan ni Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez, mas madaming fans ang naka-relate sa kanilang ala-Boy Love series na talagang kikiligan ka hangang sa kailaliman ng inyong kaibuturan. Pag nagsama na ang dalawang aktor na ito, as in makatotohanan ang pinakitang akting. Kaya madami na itong mga followers na lalo pang pinataas ang ratings ng naturang teleserye. Halos lahat ay napanganga sa kanilang mga lambingan na napapanahon lang sa mga millenials. Kumbaga kuhang kuha ang mga nakakalokang sexual tension ng kanilang character kahit di sila gumawa ng eksenang makatotohanan, andun pa din ang konseptong pagmamahalan ng isang LGBT community.

Dedma na lang ito kung mapuna ng MTRCB lalo pa laging may pasabog ito na may halikan pero binibitin naman kaya lalong naloka mga viewers ng kanilang tambalan. Sa panahon ngayon kailangan makipagsabayan ang mga pinapalabas na programa lalo na digital na ang labanan kaya itong mga platapormang Boy Love series ang next big thing na papatok sa panlasang Pinoy, na alam naman ng lahat ay kinopya lang sa Thailand kung saan ay nauuso ito sa mga kabataan dun. Kaya di malayong tanggapin ito ng mga Pinoy fans lalo pa relate na relate ang mga kabadingan sa ganitong mga palabas na may kinalaman sa LGBT+ community.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *