work and work pa more….. XIAN LIM AT KIM CHIU, WALA NG ORAS PARA SA ISA’T ISA

work and work pa more….. XIAN LIM AT KIM CHIU, WALA NG ORAS PARA SA ISA’T ISA

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

INANUNSIYO ng ABS CBN na sina Kim Chiu at Paulo Avelino na ang bibida sa Filipino adaptation ng hit South Korean series na “What`s Wrong with Secretary Kim ? na pinalabas noong 2018. “ABS CBN Entertainment and VIU are thrilled to announce their new partnership for the Philippine adaptation of the popular South Korean drama series Whats Wrong with Secretary Kim ? that was originally produced by Studio Dragon Corporation and distributed by CJ ENM Co. “The exciting collaboration will bring together two prominent ABS CBN stars, Kim Chiu and Paulo Avelino taking up on the lead roles as Secretary Kim and Mr Vice Chairman respectively,” pahayag ng ABS CBN at Viu.

Bale ito ang magiging 2nd team-up nina Kim at Paolo matapos ang matagumpay nilang seryeng Linlang. Ini-repost din ni Kim ang kanyang character teaser. “Wow I love that series!!! Congratulations Kim!!!” comment ni Mariel Rodriquez. “Ngayon na lang ulit ako na-excite manood ng Kdrama adaptation!!! Super bagay kina KIm at Paulo! Instant fan na ako hahahaha! Kilig na agad!!!” say naman ng isang netizen. “OMG!” reaction naman ni Isabel Oli-Prats. “Sobrang bagay!! Can`t think of other girl for this role except you!!!” sabi naman ng isa pang IG user. Halos ganoon din ang reaction ng mga netizens nang nag-post din si Paulo ng kanyang teaser. Samantalang ang drama naman ngayon nina KIm at Xian Lim ay parehong work, work, work sa kabila ng kanilang break-up rumor. Bale ito nga South Korean adaptation ang sumunod na project ni Kim after Linlang. Si Xian naman, bukod sa ginagawang serye na Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado ay nag-post din na may bago siyang directorial job.

Makikita sa post ni Xian na nagsimula na niyang gawin ang idinidirek na pelikula na may titulong Smile. Ibinahagi rin niya ang mga larawan na kuha mula sa set. Kaya lang marami ang nakapansin na naka-disable ang comment section sa mga latest post ni Xian na dati naman ay hindi. May kinalaman kaya ito sa rumored breakup nila ni KIm. Nagsimulang mapansin ng mga tao na may something offsa relasyong Kim at Xian nang hindi na sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama lately.

Hula naman ng iba na nagsimula pa ito noong nag-solo for the first time si Kim sa ginanap na ABS CBN Ball 2023 na kung saan hindi niya kasama ang boyfriend. Tapos nasundan pa ito ng mga solo travels ng actress samantalang dati naman ay lagi silang magkasama nagbibiyahe. Pero nang makausap naman si Kim ng media at diretsahan tinanong siya tungkol sa breakup rumor. Sagot niya ay okey naman daw sila ni Xian.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *