KYLE ECHARRI, MAY PA-ABS

KYLE ECHARRI, MAY PA-ABS

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

INULAN ng fire emojis ang instagram post (Kyle Echarri ) na larawan ng singer and actor na si Kyle Echarri, kung saan nakasuot ito ng crop top na kitang-kita ang maganda nitong abs. At isa na talaga namang nagpa ulan ng fire emojis ay ang kaibigan nitong si Juan Carlo. Caption nga nito sa kanyang pinost na larawan “Now I know why y’all love wearing croptops in the Philippines,” Ilan pang namangha na naging post ni Kyle bukod ka’y JK sina Leon Barretto, Lou Yanong at Alberto Nicolas. Samantalang ilan naman sa naging komento ng netizens ang sumusunod. “Kylito out there breaking stereotypes.” “Huuuuy grabe yung crop top di kami handa.” “Hoy Kylito nagkakasala yung mata ko. Nag automatic mag zoom.”

No description available.

LA SANTOS, INAMING NA-INTIMIDATE KAY DIAMOND STAR MARICEL SORIANO

INAMIN ng mahusay na singer and actor na si LA Santos na hindi niya naiwasang maintimidate sa mahusay na aktres na si Maricel Soriano, dahil alam daw nito kung gaano kahusay na aktres ang Diamond Star. Pero isang malaking karangalan daw kay LA ang makatrabaho si Maria at ang napakahusay na aktor na si Roderick Paulate sa “In His Mother’s Eyes.” Tsika nga ni LA “Siyempre, hindi naman po mawawala ‘yun. Na-intimidate and at the same time, sobrang na-overwhelm ako sa pagmamahal at suporta po. Kasi, si Inay Marya, ni isang beses, never niya akong pinabayaan. Sinigurado niya na nakakakain ako. Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong kinukumusta.

Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong sinasamahan. Kaya naging mommy ko na rin talaga si Inay Marya.” Dagdag pa nito pagdating sa kanilang mga eksena, “Si Inay din kasi, siya ang may gusto. Noong una, hindi talaga dapat totoo. Pero si Inay, pinagsasabihan niya ako, ‘Totohanin mo! Itulak mo ako!’ Ginaganoon ako ni Inay. After niyong eksena na ‘yun, halos maiyak po ako.” Very vocal din ito sa pagsasabing natarayan siya ni Maricel. “Siyempre natarayan naman po. Kasi siyempre, nanay ko siya, eh. Hindi naman mawawala ‘yun. Nagiging mataray siya sa akin pagdating sa karakter ko kapag nag-aaral kami ng script. ‘Yun naman ang naa-appreciate ko nang sobra kay Inay. kasi sobrang ginagabayan niya ako. Sobrang hindi niya ako pinabayaan,” sabi pa ng batang aktor. “Kaya habambuhay, parang ano, mas na-push ko pa ang sarili ko na galingan dahil ayoko talaga siyang i-take for granted. Kasi, mahirap talaga na makasama sila. Kasi siyempre, Diamond Star! Kaya ginalingan ko talaga,” anito.

Makakasama nila LA, Maricel at Roderick sa pelikula sina Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales, at Skylee Alcalde. Ang “In His Mother’s Eyes” ay isinulat nina Gina Marissa Tagasa at Jerry Gracio. At showing na sa mga sinehan nationwide sa November 29, mula sa direksiyon ni FM Reyes, hatid ng 7K Productions.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *