pinagkakaisahan….. DUMARAMI ANG MGA KAPAMILYA STARS NA NAG-UNFOLLOW KAY ANDREA BRILLANTES

pinagkakaisahan….. DUMARAMI ANG MGA KAPAMILYA STARS NA NAG-UNFOLLOW KAY ANDREA BRILLANTES

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

TILA maraming young celebrities sa mundo ng showbiz ang umiiwas sa aktres na ito at sila’y naaartehan sa happy-go-lucky attitude ni Andrea Brillantes. Matatandaang in-unfollow ni Kathryn Bernardo ang actress na bumibida sa Senior High dahil naugnay ito sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, dahil umano sa lumabas na isyung nagkatikiman daw ang bf at si Andrea?Ngayon nama’y ang actress na si Miles Ocampo ang balitang nàg-unfollow sa Kapamilya star. May ganu’n ding hinala ang mga fans na baka agawin din ng aktres ang bf niyang actor na si Elijah Canlas? Chini-check daw ng mga fans ang Instagram account ni Miles at dito nila nalaman na naka-unfollow nga ang actress sa social media ni Andrea.

Subali’t sa kabilang banda, naka-follow naman daw si Andrea sa IG ni Miles? Palaisipan tuloy kung insecure si Miles kay Andrea dahil may boyfriend ito sa ngayon at matagal tagal na ang relasyon nila ng actor na si Elijah? Sabi nga ng isang fan, si Raymart Bernardino ng Gen.Julian At.,Marikina,

“May image kasi si Andreà na nang-aahas ng boyfriend kaya’t to be sure,in-unfollow nito si Andrea?”. Kalokah ang playgirl image na ibinabato ng Ilang netizens sa actree? Payo lang sa handler ni Andrea, turuan ang actress na sana’y maging discreet at huwag ipangalandakan o isapubliko ang kanyang mga crushes? Di ba’t nauna na nitong idineklara na crush niya ang anak ni Ina Raymundo na si Jacob Poturnak, nabanggit din niyang crush din niya ang 7’3 footer na basketball star na si Kai Sotto?

Heto pa,si Kyle Echarri naman daw ang kasunod? Kagagaling lamang ni Andrea sa nakaraang kontrobersiya with Ricci Rivero, kung saa’y ibinuking ng basketball star nà live-in sila daw sila ng aktres? Hindi maganda ang dating ng isyu sa ilang fans at may ibang netizens at vlogger na pinayuhan siyang unahin muna ang career bago ang pakikipag-boyfriend? Be discreet when it comes to love life, sabi nga.

No description available.
No description available.

baka ahasin rin….. FRANCINE DIAZ, MAY PINAPAIWAS NA GIRL SA RUMORED BOYPREN NA SI SETH FEDELIN

HETO pa ang bagong isyu sa dating naging kaibigàn ni Andrea na si Francine Diaz . May hinala ang Ilang fans na hindi na in good terms ang dalawa, sa hinalang di pa niri-reveal kung may isyu nga ba silang dalawa. Pero hinala ng Ilan fans, kung dahil ba sa inilalayo nito ang rumored boyfriend ni Francine na si Seth Fedelin kaya’t pinapayuhan ang actress na dumistansiya muna kay Andrea? Sa isang intérbyu Kay Francine, naitanong sa actress kung ano na ang estado ng kaniyang friendship with Andrea?

Sagot ni Francine, “Okay naman po kami. Hindi na nga lang super friends like before but very civil naman kami.”. Nang matanong naman siya kung ano ang kanyang reaction sa dating kalabtim na si Kyle Echarri na ngayo’y naging kapareha na ni Andrea sa maraming proyekto agad niyang sinabi na masaya siya para sa pagiging magkaibigan ng dalawa. “I am very happy for them po kasi alam ko na matagal na silang magkaibigan.” Bata pa raw sila Andrea at Kyle ay magkakilala na sila. “I think it’s easier for them to do their work, mas smooth na,” makahulugan nitong bitaw.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *