YANA SONODA, VIVA ARTIST AGENCY NEWEST CONTRACT STAR

YANA SONODA, VIVA ARTIST AGENCY NEWEST CONTRACT STAR

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

“FEELING blessed”, yan ang bulalas ng napakagandang new exclusive contract star ng Viva Artist Agency na si Yana Sonoda. Una siyang napanood sa pelikulang “Pula Ang Kulay Ng Gabi” katambal si Aljur Abrenica. Marami sa nakapanood ang napansin angking galing ni Yana sa pag-arte, bukod pa sa napakaamo niyang mukha. “Sobra po akong na-excite, super happy na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa isip ko na isa na pala akong contract star ng Viva Artist. Habang pumipirma po ako ng kontrata ay para akong lumulutang sa kigayahan,” say ni Yana.

Bata pa si Yana ay pangarap na niyang mag-artista dito sa Pinas. Half Japanese/Pinay kasi ang lahi ni Yana at lumaki sa Japna. Naging beauty titlist sa isang beauty pageant sa naturang bansa pero ang pag-aartista pa rin ang sinisigaw ng puso ni Yana kung kaya lakas loob siyang nagpunta ng Pinas para matupad ang first love niya. Suportado naman ng kanyang mga magulang na nasa Japan ngayon ang pangarap na ito ni Yana. Nakatapos na rin naman siya sa kolehiyo sa Japan.

After ng first movie ni Yana ay nanahimik ang karir ng dalaga. Halos isang taon siyang walang ginawa para sa kanyang pangarap, may mga dumarating na offer pero mabigat man sa loob niya ay tinuturn down niya ito. Sa pagtitiyaga ay napansin naman siya ng Viva at inalok maging kanilang contract star for 5 years. “This is it. Hindi ko akalain na ang Viva pala ang malaking blessings na ibibigay sa akin ni Lord, ang magiging tugon sa aking mga dasal at pag-hihintay,” aniya.

May katanungan ngayon kung ready na rin siyang sumabak maging isang Vivamax sexbomb? “Hindi po ako sa Vivamax nakakontrata kundi sa Viva para sa kanilang Viva One,” say ni Yana. Pero willing din naman siyang magpasexy? “Hanggang kaya ko po, bakit pa hindi lalo na sa mga mature roles. May limitation po ako sa aking pagpapasexy, as in ‘as long as i will, i can! But sorry if i coulld not do it, coz really i wouldnt’,” esplika ni Yana.

Sa ngayon ay todo workshop pa rin si Yana para mas lalo pa niyang maibigay ang expectation sa kanya ng Viva, habang nag-aantay kung ano ang una niyang magiging project sa naturang production company. Congratulation,, Yana, welcome to VAA.

No description available.

Isang masigabong congratulation kay Kapitana Milanie Bongais para sa muling pagkakahalal sa kanya for the third time around bilang Barangay Chairwoman ng Barangay 10 (Sta. Monica & Antipolo sts.), Zone 4, Pasay City. Bukod kasi sa napakasipag niyang kapitana ay love siya ng kanyang mga constituents dahil sa kanyang kabaitan at generosity. Idol din ng mga kababaihan dahil na rin sa pagiging fashionista at taglay na karisma ni forever young Kapitana Milanie.

For another term ay bumuo ng isang mapagkakatiwalaan at masisipag na staffs si Kapitana Milanie para makasama niya sa paglilingkod sa publiko na sina equally beautiful Secretary Eduardo Abaigar Jr. and Treasurer Mhalou Hernandez. Kasama ang mga Lupon na sina Froilan Tattao, Avelina Calderon, Milagros Lagunilla, Milagros Montes, Amelia Espiritu, Uldarico Baton, Gloria Sakurai, Fernando Bansil, at Lourdes Ramos. Gayundin ang mga masisipag na mga Barangay Tanod sa pangunguna ni Exo Nelson Triguaro, Ryan Extoque, Edgar Tatao, Rissa Orgonio, Renato Peñalosa at sa super maaasahan na si Reymond Dola.

And last but not the least, to all Elected Barangay Kagawad na sina 1. Renante Tovera, 2. Rommel Abaigar, 3. Edmond Dela Cruz, 4. Susana Facundo, 5. Maurice Stephen Abelarde, 6. Francisco Galvan & 7. Renato Francisco. Congratulations to all and serve your constituents honestly….

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *