Break na nga talaga???? KATHRYN BERNARDO, NO SHOW SA BIRTHDAY NG INA NG BOYPREN; KARLA ESTRADA, NAGPASARING SA HIWALAYAN ISYU

Break na nga talaga???? KATHRYN BERNARDO, NO SHOW SA BIRTHDAY NG INA NG BOYPREN; KARLA ESTRADA, NAGPASARING SA HIWALAYAN ISYU

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

AYAW paawat ang mga mahadera sa pagre-react sa latest post ni Karla Estrada sa kanyang Instagram. Pagkatapos ng pananahimik sa isyu ng hiwalayan ng KathNiel, nagpakawala ng sunod-sunod na cryptic post ang nanay ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram account. Una ay binanggit nito ang ilang verses sa Bible tulad na lamang nang “Kung sino ang walang kasalanan ay siyang unang pumukol ng bato.

” May mga hanash pa siya na; “Your past mistakes are meant to guide you not define you.” Pero ang ikinawindang ng netizens ay ang kanyang makahulugang post na : “Hindi mo utang sa iba ang buhay mo. Wag mong gawing props lang ang pagkatao mo para mapasaya lang ang iba. Pasayahin mo ang iyong sarili, deserve mo iyon. At kung ang iba ay hindi natutuwa, bahala sila. Kalungkutan na nila iyon. Sey ng kibitzers, pakiwari raw nila na ang huling pasaring ng TV host-actress ay para sa anak na si DJ na marahil daw ay nade-depress umano dahil sa maugong na break up nila ni Kathryn.

May mga nag-opinyon pang ang mga hanash niya ay masasabing katumbas daw ng kumpirmasyon na hiwalay na talaga ang Kathniel. May isa namang netizen na nag-ispluk na diumanoý ‘no show’ si Kathryn sa birthday celebration ni Karla. Suspetsa ng mga pa-savage, tila may katotohanan daw ang tsika na split na ang showbiz couple. Ito ang ilang reaksyon ng kibitzers sa kanyang cryptic post. “So true ang tsika.” “Inubos na talaga ang quotes sa Bible.” “DJ, huwag kang magmukmok diyan. Sey ni Momshie Karla.” “Iyong last message niya ay parang patama kay DJ” “Para kay Daniel lalo na yung last msg” “Daming hugot ni Mahma!” “Dati todo deny siya pero ngayong silent lang si Mama.” “Silence means…yes!” “

Sabihan mo anak mo na magsalita na para magmukha naman makatotohanan yang mga posts mu” “May pictures sa IG ng bday celebration ni Karla last night at wala dun si Kathryn. Dati naman nagpupunta siya. Pero wala rin naman si Blythe 😂” “mukang hiwalay na nga kasi for sure magsasalita si karla kung di totoo” “That Says It All . . .Confirmed ! ! !” “So, inisnab ni Kath ang birthday ng kanyang future mother-in law” Speaking of Karla, pinabulaanan niya sa kanyang socmed page ang alegasyon ng beteranang showbiz journalist na si Cristy Fermin na inamin niya sa isang kaibigan na hiwalay na ang Kathniel.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *