inilihim sa kanilang mga tagahanga… ELIJAH CANLAS AT MILES OCAMPO, MATAGAL NANG HIWALAY

inilihim sa kanilang mga tagahanga… ELIJAH CANLAS AT MILES OCAMPO, MATAGAL NANG HIWALAY

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

WALANG paligoy-ligoy na inihayag ng aktor na si Elijah Canlas na break na sila ng aktres at E.A.T. host na si Miles Ocampo. Pag-amin ng actor, ilang buwan na silang hiwalay ni Miles. “We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff,” aniya. “We are okay, we are not mad at each other… I’m always gonna have love for her and support her with what she does but right now we are taking our time figuring things out,” dagdag ng aktor. Bago ito, naghinala ang netizens na may gusot sa relasyon ng dalawa dahil wala nang pino-post na update sa social media si Miles kay Elijah kahit naka-follow pa siya rito.

Samantala, usapang break up, totoo raw na hiwalay na rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pero hindi daw si Andrea Brilliantes ang cause nito. Isang top model daw na super gandang girl ang bago ni Padilla. So take 2 na si Andrea na ipinagpalit? Una kay hindi naliligo/nagpapalit ng brief at dugyot na si Ricci Rivero, na sa Isang beauty queen sya ipinagpalit tapos itong kay Daniel na naugnay lang sya pero ibang girl pala ang tunay na gf ni Daniel. Habang on-going ang mga hiwalayan isama pa ang Richard Guttierez at Sarah Lahbati na wala namang intresado , tila natutuwa naman sa isat Isa sina Paulo Avelino at Kim Chiu.

Natutuwa lang ha kasi never namang umamin si Paulo sa mga past relationship niya (not after LJ Reyes na happily married na ngayon). So ayun, Abangan natin ang totoo sa kanila. Kung ano yung seryoso at naglalaro lang.

No description available.

wala sa hulog…… VICE GANDA, PALPAK SA PATUTSADA KAY ‘CRISTY’

MALING-mali ang ginawa ni Vice Ganda sa ginawa nito sa “It’s Showtime” sa Isang babaing contestant na ang pangalan ay Cristy. Imagine dahil sa pangalan nung contestant, nakaisip syang ‘gantihan’ ang respetado at iginagalang na tv host at mahusay na manunulat na sa palagay niya’y number one kaaway nya.

Sabi ni Vice sa contestant; “Anong pinagkakabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng kasinungalingan?” Siyempre nakarating yun sa manunulat at sinagot agad ang baklang komedyante. Galit ito at sinabihang wag magtago sa saya ng iba o sinumang tao kundi magpakatotoo at diretsong sabihin sa kanya ang mga patutsada niya. Sabi pa ng matapang na manunulat, Kahit sabihin nyang ibang Cristy ang pinatutungkulan niya, hindi naman sya ipinanganak kahapon upang hindi maturol na sya at walang Iba ang pinapatutsadahan ng baklang komedyante. Dito na nga napansin ng marami ang kabastusan ni Vice.

Pwde kang magpatampis pero in a very well mannered way. Napaka- squatter Nung ginawa nya. Very uneducated. Well, saan ba naman sya galing bago nagkaroon ng maraming salapi, nakapagsuot ng mga branded na damit at nakapagparetoke , di ba? Dahil sa ginawa niya, mas maraming kumampi kay Tita Cristy. Pambabastos at kawalang-galang ang ginawa niya. Yun nga ang matagal ng sinasabi ng nga netizens, na wag nyang dalhin sa telebisyon ang pagpapatawa niya sa comedy bar. Kasi sa comedy bar, bastusan dyan ang mga jokes. Sa TV hindi pwde yun dahil napapanood ka kahit batang maliit kaya preno preno rin. Ayan nga at nasuspend sya ng MTRB di ba?

Baguhin na nya ang style niya. Bawasan ang kayabangan na feeling niya sya lang ang bida sa programa niya. He’s not. Andyan sina Anne Curtis na pinapanood ng lahat, sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Karylle at Amy Perez na mahuhusay na TV host at nakakaaliw din ang mga jokes. Mukhang nilamon na at nalagay na sa utak ni Vice Ganda na sa kanya na ang Universe, na siya na ang pinakasikat at pinakamayaman na baklang komedyante.

Paghandaan sana nya na may katapusan ang lahat. Isang araw ay may bagong susulpot na mas magaling sa kanya at yun na ang katapusan nya. Paminsan-minsan ay maglakad ka naman sa kalsada, makipagkuwentuhan ka sa mga ordinaryong tao, lumanghap ka ng sariwang hanging upang mabawasan naman ang kayabangan mo. At tandaan mo, hindi ang million mo ang magpapasaya sa iyo kundi ang laman ng puso

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *