pero bet pa rin ang ex-wife na si Aiko Melendez…. ANJO YLLANA, HAPPY SA PAGPAPAKASAL NI JOMARI KAY ABBY VIDUYA

pero bet pa rin ang ex-wife na si Aiko Melendez…. ANJO YLLANA, HAPPY SA PAGPAPAKASAL NI JOMARI KAY ABBY VIDUYA

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

NAIKUWENTO ni Anjo Yllana na hindi pa sila nagkakausap ng kapatid na si Jomari Yllana. Sa panayam ni Aiko Melendez kay Anjo sa kanyang vlog nasabi nito na tulad ni Aiko ay wala na silang komunikasyon ni Jomari na ex-husband ni Aiko. Hindi na dinetalye ni Anjo ang dahilan ng kanilang problemang magkapatid. Ang sabi na lang nito, “Ayaw ko nang pag-usapan bakit hindi kami nag-uusap. I just don`t wanna lie na merong hindi tama. May problema kaming magkapatid but that`s between us.” say ni Anjo.

Reaction ni Anjo sa maling pagpapakasal ni Jom kay Abby Viduya. “Katulad nu`n ikinasal sila. So I`m happy for them ikinasal sila even though we do not talk. Kasi ang bilin ko sa kanya nu`n, I was so hurt nu`ng makipaghiwalay siya sa yo. Kasi once I consider you as a family, you will forever be part of me as a family member. So nung nag-break kayo, nasaktan ako nu`n.” Patuloy niya. “I advised him, ‘Next time, ha?’ sabi ko.. Ako minsan lang ako magsalita. Bilang the kuya and wala na kasi yung daddy ko na nu`n, sabi ko sa kanya. ‘Being the eldest, ang pakiusap ko lang sa`yo. Pag-nagkaroon ka ng girlfriend, bigyan mo ng five years bago ka mag-asawa ulit.

Ayaw ko maggi-girlfriend ka, mag-aasawa ka, tapos maghihiwalay ulit. Ayaw kong maulit yung nangyari sa inyo.` Gusto ko, magkaroon siya ng asawa, panghabambuhay na. Hindi ikinaila ni Anjo na sumama ang loob niya kay Jomari pero wala na raw iyon sa kanya. Sa ngayon ay handa na raw siyang makipag-ayos pero sana daw ay yung kabilang kampo ang lumapit para maayos ang lahat ng dapat ayusin. Ang katuwiran niya bilang panganay at tumatayo na rin bilang breadwinner ng pamilya nila noon, sana ay yung kapatid na niya ang unang gumawa ng unang hakbang.

Sobrang touched naman si Aiko sa naging pahayag ni Anjo kung paano niya tinuring na kapamilya ang actress nang nagsasama pa sila ni Jomari. Nangako nga si Anjo na forever na magiging member ng kanilang pamilya si Aiko kahit na hiwalay na sila ni Jomari. Eversince kasi nang mawala ang kanilang ama ay si Anjo na talaga ang tumayong ama sa kanilang magkakapatid. Lagi niyang sinisiguro na lahat ng kanyang kapatid ay nasa mabuting at maayos na lagay noong kasiglaan pa ng showbiz career ng actor. Lahat ng kaniyang kapatid ay may allowance natatanggap kay Anjo at siya rin nagpapaaral sa mga kapatid para makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Isang ulirang anak, kapatid at kaibigan ang isang Anjo Yllana.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *