halu universe…… PIOLO PASCUAL, INVOLVED SA ISANG COOKING SHOW

halu universe…… PIOLO PASCUAL, INVOLVED SA ISANG COOKING SHOW

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

KAKAIBA ang bagong netflix show ngayon ni Papa Piolo na Replacing Chef Chico na reunited siya sa kanyang bff na sina Sam Milby at Assunta de Rossi, na ang mga role ay mga cook na sosyal. Maganda ang concept ng show lalo na isa ito sa kauna unahang Pinoy produced Netflix Original, na kung saan ay pinapakita ang mga pagkaing Filipino na Kare Kare at Adobo. Isa sa masasarap na putaheng sa atin kaya madami na ang nagsubaybay nito sa May 8 episode. Sa kanyang paghosting sa Eddy’s Award ay makikita mong visible na ulit si Piolo Pascual, lalo pa kaliwa’t-kanan ang mga proyektong nilalagare nito, isa na ang kanyang MMFF entry na Mallari na isang killer na pari ang kanyang ginampanan.

Horror ang tema ng pelikula kaya kakagatin ito ng masa lalo pa nauuso na naman ang ganitong mga genre sa industriya. Sa kanyang paghohosting ng isang malaking awards ay kinakalawang na ito lalo na sa pagbitaw ng mga linya at di na sinusunod ang script, kaya hayan panay ang gigil ng stage direktor dahil sa naiiba ang pagdeliver ng kanyang linya, pero go pa rin si Papa Piolo. Kitang-kita naman na nag-eenjoy siya sa ganitong klaseng gigs. Hangang-hanga ito sa isa sa mga awardee na tumangap ng parangal na si Andres Muhlach in behalf sa kanyang daddy na wala sa event, kaya ito ang tumangap napa-wow nalang si Piolo sa sobrang kagwapuhan ng anak ni Aga Muhlach.

Ikaw ba naman ang di mapapako ang paningin sa tindig at porma pa lang ni Andres ay mapa-sana all ka na lang kaya pati aktor na andun ay napanganga na lang sa kagwapuhan ng isa sa mga sikat na kambal sa showbizlandia.

No description available.
No description available.

POPS FERNANDEZ, NAGBABAGO NA ANG GALAWAN SA STAGE?

TILA nawawala na ang kinang sa stage ng Concert Queen na si Pops Fernandez, kung magperform ito sa kanyang dance and sing number productionlalo ay parang kumikilos ng halos di na magalaw ang mga paa nito sa stage. Kaya lahat ng kilos, sayaw at galaw ni Popsy ay may dyulalay, as in takot na mahulog o kaya maaksidente sa stage. Di nga bumabata si Pops Fernandez lalo na nagkaka-edad na ito at di tulad ng dati na todo-todo kung humataw ito pag may concert at show.

Natapos at naitawid din naman ang kanyang production opening number sa Eddy’s Awards Night kung saan ay isa siya sa performers pero parang kulang na kulang ng energy, na tila di nasisiyahan ang mga nanuod at lalong na shock ang mga viewers ng magpabuhat ito sa mga dancers kaya buti nalang di sila natumba sa last part ng show, lalo pa medyo mabigat ang timbang ng concert queen.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *