VICE GANDA, TULOY LANG SA PAMBABANAS

VICE GANDA, TULOY LANG SA PAMBABANAS

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

TILA may namumuong alitan ngayon sa pagitan nina Vice Ganda at Cristy Fermin. Maaaring nagsimula ang alitan ng dalawa matapos magbiro ni Vice sa isang contestant sa It`s Showtime na may pangalang “Cristy” at tinanong ito ng TV host comedian. Sabi ni Vice sa contestant, “Kumusta ka Cristy? Ano ng pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng kasinungalingan?” Matagal na raw dinededma ni Vice ang mga patutsada ni Nay Cristy na nagsimula sa “icing lick incident” na napanood sa kanilang programang It`s Showtime kasama ang kanyang live-in partner na si Ion Perez.

Bale ba ang nasabing eksena ay hindi naging maganda sa paningin ng mga manonood lalo na sa mga kabataan na sumusubaybay sa naturang noontime show. Kaya hindi ito nakaligtas sa MTRCB para bigyan patawan sila ng 12 day suspension na nagsimula nga last October 14 at nagtapos last October 26. May nasabi raw diumano si Nay Cristy na si Ion ang “malas” sa kanilang buhay at career, magmula nang sila ay magpakasal sa US.

Sa programa ni Nay Cristy na Cristy Ferminute ay tila binanatan nito si Vice at sinabihan ito na diumano na hindi tunay na babae at nagpapanggap lamang.

“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka! Nagpapangap ka lang na babae. Kapag ikaw ay bumibiyahe sa isang mahabang kalye, tinawag ka nang kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka dyi-jingle. May mga dadaan na tao at ano ang colloquial na biro ng mga tao na nakakakita ng mga umiihi? “Hoy, humarap ka! Wag kang tumalikod, traydor ka! Yun ang isisigaw sa iyo,“ say ni Nay Cristy kay Vice.

Samantalang trending naman ngayon sa social media ang naging hirit ni Vice sa kanilang noontime show tungkol sa mga tsismosa. Nangyari ang patutsada ni Vice sa isang episode ng show kung saan binati niya ang isang contestant at ang mga kapitbahay nitong tsismosa.

“Binabati ko ang mga kapitbahay kong tsismosa,” say ng contestant na nangangalang Norma. Kaagad naman tinanong ni Vice ng, “Binabati mo mga tsismosa? Anong pangalan ng tsismosa na yan? Batiin natin ang tsismosang `yan? At sinundan niya ito ng follow up question na, “Hindi ba nanggagaliiti yung mga tsismosa sa inyo?” Anyway, patulan at sagutin kaya ito ni Nay Cristy.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *