nawala na ang taray?? MARICEL SORIANO, BAIT BAITAN NA

nawala na ang taray?? MARICEL SORIANO, BAIT BAITAN NA

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAPAKASIPAG nina Maricel Soriano at Roderick Paulate sa pagpo-promote ng kanilang movie together with LA Santos ang “In His Mother’s Eyes” na palabas na sa November 29 sa mga sinehan. Halos lahat yata ng programa sa telebisyon ay pinuntahan nila just to tell the people na mayroon silang magandang pelikula na malapit nang ipalabas. Sa lahat ng ito, marami ang nakakapansin na nag-mellow na ang Diamond Star. Laging naka-smile ito sa lahat, approachable at masayang nagpapa- picture taking sa lahat ng gusto syang makasama. Ibang-iba na siya sa dati na suplada, mataray at titingnan ka lang kapag inapproach mo syang magpa-picture. Dito naman papasok ang kanyang best friend at mahusay na aktor na si Roderick Paulate.

To the rescue si Kuya Dick sa kanya ever since nung bata pa sila. “Misinterpreted lang si Maria. Sa totoo lang napakabait ng taong iyan at mapagmahal. Hindi lang sa mga kapatid nya at kay Mommy Linda (mother ni Maricel) kundi sa mga kaibigan din nya. Sobra nga siyang magmahal to the point na pati mga nakakasama mo o iba mong kaibigan ay pinagseselosan niya. Noon, pinagtataguan ko pa sya kasi may mga personal akong lakad na hindi sya kasama pero mahahanap nya kung nasaan ako. Naku, iyang si Maria, ginagawa akong baby, hanggang ngayon ganyan pa din sya sa akin,” masayang pagbabahagi ni Kuya Dick sa friendship nila ni Maricel. Drama ang “In His Mother’s Eyes” kaya marami ang nagtataka kung paano sila sa set eh pulos mga kaibigan pa naman ang kasama ng dalawa like si Maila Gumila.

Siguradong walang puknat na kuwentuhan at tawanan sila sa set “Ganun na nga, at saka kain kami ng kain , ang daming pagkain. Eh di pag hindi pa take , ganun lang kami. Pag tinawag na kami ng direktor, automatic na, andun na kami sa character. Ang maganda kasi dito, kasunod mo lahat, at lahat ng mga artista magagaling lalo na si Maria. Eh iyan always ready iyan pagdating sa set. Pag take na, dapat ready ka na rin. Good thing, pag magaling ang mga artista, ang sarap magtrabaho. Happy ako na nakatrabaho ko ulit ang aking kaibigan, si Ms Maricel Soriano,” wika pa ni Roderick.

No description available.
No description available.

MULING PAGTATAMBAL NINA KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS, INAANTABAYANAN NG MGA FANEY

MARAMI ang gustong magkaroon ng Kathryn Bernardo at Alden Richards part 2 sa pelikula. After all, ang pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye” ang may hawak ng the highest grossing films of all time. Isa pa, wala ng magbabawal kay Kathryn na tumambal sa iba dahil balitang hiwalay na at tapos na ang tambalang KathNiel.

Si Alden ang pinakamalapit na maaaring makapareha ni Kathryn dahil marami ang nag-aabang ng muli nilang pagtatambal na tinangkilik ng husto. Yun lang , dapat mas matindi mas dobleng maganda ang story kaysa sa nauna. Sigurado kaming maraming mga fans ng dalawa ang matutuwa. Yun lang , not in the near future mangyayari yun kasi may 1 pang tinatapos na movie si Kathryn na iba pa rin ang kapareha. Si Alden naman ay busy sa bagong serye nito sa GMA 7 , ang “Pulang Araw” at ang bagong pelikula niya kung saan first time nitong makakapareha si Heaven Peralejo.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *