ANDREA BRILLANTES, HOTNESS GEN Z EDITION

ANDREA BRILLANTES, HOTNESS GEN Z EDITION

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng young actress. Isa na nga rito ang sinasabing siya ang dahilan kung bakit naghiwalay na umanoi sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, although wala pa namang kompirmasyon na break na nga ang KathNiel. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang opinyon/saloobin hinggil sa pinagdaraanan ni Andrea.

Sabi ni Manay Lolit, “Salve alam mo bang naawa ko kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay,” saad ni Lolit. Ngunit sa kabila raw ng ng kontrobersyang kinakaharap nito ay nakatulong pa ito sa personalidad ng dalaga. “Pero siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay ‘hotness’ sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teenagers na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka ‘yummy’ youngstar sa ngayon,” pagpapatuloy pa ni Lolit. “Parang naging way pa para isipin ng mga teenagers na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars. Iba din dating niya niya, parang young boldstar na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan,” sey pa ni Lolit.

Samantala, hiling naman ni Manay Lolit na sana sa totoong buhay ay hindi totoong wild ang imahe ni Andrea. “Sana nga hindi sa tutoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan. Bongga di bah Salve at Gorgy,” hirit pa ni Lolit.

No description available.
No description available.

girl to girl love series…. JANE DE LEON, OKEY LANG MAGING KA-LOVETEAM SI JANELLA SALVADOR

SA isang panayam kay Jane de Leon, inamin niya na nasa dating stage siya ngayon. At hindi non-showbiz ang lalaking nakaka-date niya. “As of now, happy naman ako. I am actually dating someone. Non-showbiz guy and let’s just leave it at that to protect his privacy. Basta my heart is happy. Nasa dating stage ako ngayon at hindi ko naman dini-deny ‘yun. And I think I want to keep it private lang so bahala na sila kung sino siya (dine-date). Ha-hahaha!” natatawang sabi ni Jane.

Si Janella Salvador ang itinuturing ngayon ni Jane na kayang best friend. Nagsimula silang maging mapait nang magkasama sila sa dating serye ng ABS-CBN na Darna. okey lang kay Jane na gumawa sila ng best friend niyang si Janella Salvador ng isang lesbian movie o Girl’s Love series in the future kung mabibigyan ng pagkakataon. Pero ano ang masasabi ni Jane na may mga taong nagbibigay ng malisya sa friendship nila ni Janella at sinasabing baka raw may secret relationship na sila nito.

“Kami naman ni Janella, pareho kaming natutuwa sa suportang ibinibigay ng mga tao sa friendship namin. We don’t mind kung sinasabing bagay kaming love team. We interact with the fans na natutuwa sa amin, kaya siguro minahal din nila ang friendship namin. Siguro, sa mga LGBT, they fantasize us and it’s okay lang. If maibibigay ba namin ang kaligayahan nila, why not?” aniya pa. Kung may mag-offer nga sa kanila ni Janella ng isang lesbian-themed project,okey lang ba sa kanya o sa kanila ni Janella? Sagot ni Jane, “We’ve talked about and we’re open about the idea. Basta maganda ang story at maayos ang pagkakasulat ng script, sige, go. Trabaho pa rin naman ‘yun and people now are so open-minded about these things.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *