PAGKA-‘BABAE’ NI MEME VICE, ISANG PAGPAPAPANGGAP LANG…

PAGKA-‘BABAE’ NI MEME VICE, ISANG PAGPAPAPANGGAP LANG…

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

SARIWA pa sa alaala.namin ang rant ng isang mataray na showbiz columnist sa isang P.R. ng isang network kung saa’y ipinapa-banned ito sa mga presscon na sakop ng magaling na P.R sa kadahilanang inaaway ng kolumnista ang kanyang mga alaga? Nagbanta pa ito sa PR na, “If you want war, I’ll give you war!”. Kaya naman tila magandang segue ito sa napipintong giyera between the Unkabogable superstar Vice Ganda at ang showbiz columnist at veteran broadcaster Cristy Fermin kung saa,’y sinabi ni Cristy na ‘wag màg-astang female si Vice dahil bali-baligtarin man ang mundo, male pa rin daw ang gender ng It’s Showtime host. Sa kanyang programang Cristy PerMinute, ani Fermin, “Vice Ganda hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Nagpapanggap ka lang na babae,” mataray na mensahe ni Fermin kay Vice. Dagdag pa niya, “Kapag bumibiyahe ka sa isang mahabang kalye (at) tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sasasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka dyi-jingle. May dadaan na mga tao, at ano ang colloquial na biro ng mga tao na nakakakita ng mga umiihi? ‘Hoy, humarap ka! Huwag kang tumalikod, traydor ka! Yun Ang isisigaw sa iyo,” ani Fermin kay Vice. May ilang nasa showbiz circle ang kumampi kay Vice kagaya ni Inah Vans na niresbakan si Fermin at walang takot nitong pinaulanan ng matatapang na salita sa pamanagitan ng kanyang tweet ang beteranang kolumnista, “Tumanda kang ganyang ka-t@nga. Tara po, manang Cristy, ie-explain ko sa inyo ang Sogie. Pipilitin Kong maipaliwanag sa colloquial na paraan para po di kayo matawag na ‘Tanda, mag-aral ka! Ang panghi na ng utak niyo e. Sarap niyong ih*an ang wisdom,” ani Evans sa kanyang tweet.

No description available.
No description available.

VILMA SANTOS, NASORPRESA SA UNITY NG KANYANG MGA LOYALISTA

GINANAP ang makasayaayang Ate Vi Fans Day sa TrumWay restaurant,Timog last November 25, Saturday at ito’y Isang masayang sorpresa (ang unity ng club) dahil ani Vilma Santos, sa halos 6 na dekada na niya sa showbiz, ngayon lamang daw nagkasundo at nagkasamasama ang tatlong malalaking Vilmanians group of fans sa isang event. Gaya ng naganap last weekend. Marahil ay dahil na rin sa ilang prinsipiyong sinusunod ng bawa’t kampo kung kaya’t matagal ding nagkanya-kanya ang grupo na dekada na ring loyalists ng multi-awarded-grand slam actress ng showbiz si ate Vi.

Ang ngayo’y magkakasundo nang sumusuportang mga presidente ng club ay pinangungunahan nina Jojo Lim ng VSSI, Willie Fernandez ng VSFFI at Marcelino Dumlao Santos ng SILVI. Ramdam at kitang-kita ang ibayong galak na hatid sa actress, ang pagkakaisa ng lahat ng kanyang fans para sa tinaguriang Star for All Seasons,ms. Vilma Santos-Recto. Sa nasabing event,nagsalita si ate Vi (tawag sa kanya ng mga Vilma loyalists), “For the very first time, ngayon lang sila nagkasama sa fans day at ikinagagalak ko ito.” may ngiti subali’t emosyonal nitong bungad sa mga Vilmanians na nagtipon-tipon sa event, sponsored by the producers of When I Met You In Tokyo!, ang pelikulang kasama sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong December 25 to January 7, 2024 starring ate Vi at Christopher de Leon na personal na dumalo sa Ate Vi Fans Day. Inimbita din ni ate Vi si FDCP Chairman Tirso Cruz III kasama ang asawang si Lyn . Sorpresang ring dumalo sa event ang isa sa produ, ng film si GMA executive Ms. Anette Gozon. Kaya naman pakiusap ni ate Vi sa lahat, “Panoorin niyo pong lahat ang 10 entries. Sampu po ‘yun, pero sana unahin muna natin ang When I Met You in Tokyo.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *