BEA ALONZO AT LOLIT SOLIS, NAGKAYAKAPAN AT NAGBATI NA

BEA ALONZO AT LOLIT SOLIS, NAGKAYAKAPAN AT NAGBATI NA

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

Sa isang birthday celebration ay nagkita at nangyari ang hindi inaasahan na pagbabati ng matagal ng magkaalitang sina actress Bea Alonzo at ang columnist/talkshow host na si Manay Lolit Solis. Naganap ang pagbabati nina Manay Lolit at Bea, ng habang kinukunan ng litrato si Bea at ang may birthday na si businesswoman Rhea Tan ay lumapit si Manat Lolit at pinapanood ang nagaganap na pictorial. Ng sa di inaasahan ni Manay Lolit, biglang lumapit si Bea sa kanya at dito na niyakap ni Bea si Manay Lolit at sabay ng paghingi naman ng sorry ni Manay Lolit, “Hindi naman ako galit kay Bea, Kung hindi sa manager niya.” At sa pagbabati ng dalawa maraming saksi ang natuwa. Kabilang na rin ang ilang mga celebrities na dumalo sa naturang birthday party tulad nina Enchong Dee, Maja Salvador, Kitkat, Sunshine Garcia, Vice Gov. Alex Castro, Sanya Lopez, Ynez Veneracion, Luke Mijares, Ysabel Ortega, atbp.

No description available.

MERRY ang Christmas ng StarPop Recording artist na si Janah Zaplan sa paglabas ng kanyang newest Christmas song na Pasko’ y Nagbabalik na mula sa komposisyon ni Jonathan Manalo. Ito raw ang maagang Pamasko ni Janah sa kanyang mga loyal supporters at maging sa kanyang mga kaibigan at loveones. Ayon nga kay Janah “This is a reminder how good this season is by reminiscing memories and creating new ones this Christmas.” Thankful nga si Janah sa kanyang StarPop Family at sa kanyang parents na sina Daddy Boyet at Mommy Dencie Zaplan na laging nandyan at nakasuporta sa kanya. Ilan nga sa mga awitin niya Janah ang Maiba Naman, Eh Ano Ngayon, at Dancing On My Own.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *