pagdating sa hosting job… MELAI CANTIVEROS, AMINADONG KABOG KINA JOLINA MAGDANGAL AT REGINE VELASQUEZ

pagdating sa hosting job… MELAI CANTIVEROS, AMINADONG KABOG KINA JOLINA MAGDANGAL AT REGINE VELASQUEZ

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

SUMALANG si Melai Cantiveros sa Lie Detector test nang maging panauhin siya ni Bea Alonzo sa kanyang vlog. Ani Melai, noong nasa Pinoy Big Brother daw siya, ang buong akala niya ay si Paul Jake Castillo ang tatanghaling grand winner. Katunayan, bilib daw siya sa leadership skills ng mister ni Kaye Abad. Noong nasa Bahay ni Kuya, aminado rin siyang crush at ‘pinagnasahan’ niya ang nasabing Cebu businessman. Pagbibiro pa niya, nagpantasya raw siyang ito ang aahon sa kanya sa kahirapan lalo pa’t galing ito sa nakaririwasang pamilya.

Sa naturang vlog, inamin din niya na ilang beses na rin siyang pumatol sa bashers. Bilang isang ina, naaapektuhan daw siya kapag binibira ng bashers ang kanyang mga anak. Para sa komedyante at Magandang Buhay host, mas magaling na host daw sa kanya sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez. Pagdating sa pagpapatawa, wala rin daw siyang minememoryang script o technique dahil lumalabas daw na natural sa kanya ang pagiging kengkay.

ACCLAIMED British play na The Seagull mapapanood na sa sinehan . Pagkatapos ng matagumpay na premiere ng Fleabag sa mga sinehan noong Oktubre, inihahandog ng CCP National Theater Live ang isa pang hindi dapat palagpasing obra sa big screen. Ito ay ang British play na The Seagull na mapapanood sa Nobyembre 28 sa ganap na alas-5:30 ng hapon sa Ayala Malls Cinemas Greenbelt 3 Cinema 1.

Ang nasabing obra ay itinuturing na 21st century retelling ng akda ni Anton Chekhov tungkol sa isang babaeng gagawin ang lahat makamit ang inaasam na kasikatan. Tampok dito ang pinagpipitaganang actress na si Emilia Clarke, na nakilala sa kanyang pagganap bilang Daenerys Targaryen sa hit HBO series na Game of Thrones. Hinalaw para sa entablado ni Anya Reiss at idinirehe ni Jamie Lloyd, ang classic play ay filmed live sa London’s West End, at nagtatampok din kina Tom Rhys Harries (White Lines), Daniel Monks (The Normal Heart), Sophie Wu (Fresh Meat), at Indira Varma (Game of Thrones). May diskuwentong ipagkakaloob sa mga estudyante at senior citizens.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *