Out sa GMA New Year’s Countdown….. ALDEN RICHARDS SA AMERICA MAGSESELEBRA NG BAGONG TAON AT KAARAWAN

Out sa GMA New Year’s Countdown….. ALDEN RICHARDS SA AMERICA MAGSESELEBRA NG BAGONG TAON AT KAARAWAN

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.

MASAYA si Alden Richards sa nangyayari nga sa muling pagbabalik ng sigla ng Philippine Cinema at isa nga sa sampung entry ang movie nila ni Sharon Cuneta na Two of Us na dinadagsa rin sa mga sinehan. Kaya masaya si Alden na lilipad ng America kasama ang pamilya para doon salubungin ang Bagong Taon. Nagpaalam na siya sa GMA Network na hindi muna makakasama at makakapag-host sa magaganap na GMA New Year Countdown dahil ginusto niya na makasama naman ang kanyang pamilya sa Bagong Taon.

Bale magiging bonding na rin ito ni Alden with his grandparents na hindi niya madalas makasama dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule at hindi na nakakauwi nang madalas sa Sta Rosa Laguna. Samantalang wala rin si Alden sa 32nd birthday niya sa January 2, 2024 at naiintindihan naman ng kanyang mga fans dahil naging busy siya sa sunud-sunod na project kaya kailangan niyang mag-relax. Pagbalik niya ay haharapin naman niya ang promo ng series na Out of Order sa February 21, 2024 na ang streaming sa Netflix o Amazon. Magsisimula na rin siyang mag-taping para sa Pulang Araw at iba pang project na gagawin. Ang tanong ng karamihan ay kung kailan naman daw niya sasabihin kung may nagpapatibok na ng kanyang puso.

No description available.

10 ENTRIES NG MMFF DADALHIN SA US, LAHAT NG GASTOS SAGOT NG MMDA

TAGUMPAY ang 2023 MMFF dahil muling tinangkilik ng moviegoers ang 10 entries at sana nga magtuloy-tuloy para muling sumigla ang Philippine Cinema. Ang tanong ngayon ay kung matutuloy pa rin kaya ang Summer Film Festival ng MMFF at MMDA dahil dadalhin sa America ang 10 entries para mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan natin na naka-base na sa Tate. Tatawagin itong 1st Manila International Film Festival ang event na kung saan magkakaroon ng premiere night ang bawat pelikula na ipo-promote ng cast na isasama.

Ang MMDA raw ang sasagot sa lahat ng expenses para sa malaking event na mangyayari for the first time. If walang magiging aberya, sana suportahan ng mga kababayan natin nasa America. Wala pa gaanong detalye maliban sa magaganap ito sa katapusan ng January 2024 hanggang first week ng February 2024. Matagal na raw walang ganitong event sa ibang bansa na kung saan iha-highlight ang Filipino films at sana maging successful tulad ng nangyayari ngayon sa ating bansa na dinudumog ngayon sa mga sinehan ng mga Pinoy.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *