KATHRYN BERNARDO, FEEL MAGING LEADING LADY NI CEDRICK JUAN

KATHRYN BERNARDO, FEEL MAGING LEADING LADY NI CEDRICK JUAN

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

SOBRANG overwhelming para sa aktor na si Cedric Juan ang pagkakapanalo niya ng Best Actor sa 2023 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal recently. Para sa kanya, pillars na ng Philippine entertainment industry ang mga aktor na nakalaban niya sa Best actor category. “And through the years of experience, grabe na ang maturity nila. As you can see kanina, grabe ang stuttering ko, grabeng iyak ko,” lahad ni Cedric. As much as possible ay gusto raw niyang i-compose ang kanyang sarili during his acceptance speech. “Pero ‘yun nga nakalimutan ko pang pasalamatan lahat ng gusto kong pasalamatan. But I will do that when I post it. Overwhelming siya kasi at least, naramdaman ko na isa siyang appreciation, recognition and affirmation sa sampung taon na ipinaglaban ko ‘yung pagmamahal ko sa pagarte, paglikha at pagtatrabaho ko bilang isang artist ng Pilipinas,” pahayag ni Cedric.

Paul Cedrick Gutierrez Juan ang kumpletong pangalan ni Cedrick at ipinanganak siya sa Santa Maria, Bulacan, Philippines. Nagtapos ng kursong Bachelor of Arts degree in Mass Communication from Far Eastern University, Manila, Philippines. Bukod sa “GomBurZa,” nagbida na rin si Cedric sa “Two And One” (2022) at may natapos na rin ang “Gitarista” na ‘di pa naipapalabas. Napanood din siya sa mga pelikulang “Die Beautiful” (2016), “Oro” (2016), “Bliss” (2017), “The Panti Sisters” (2019), “Utopia” (2019), “Kalel, 15” (2019), “Big Night!” (2021) at “Huling Palabas”sa Cinemalaya this year. Wish ni Cedrick na makatrabaho ay si Kathryn Bernardo in the future. Say niya, “Ay, yeah. Kasi, last time I watched ‘A Very Good Girl’ sobrang galing nila ni Tita Dolly (De Leon). Yeah, kung magkakaroon ng pagkakataon why not?” Sa ngayon ay freelance actor si Cedrick. Meaning, wala siyang manager at kahit sino at ano’ng production pwede siyang gumawa ng proyekto. Provided of course sa materyal na gagawin niya. After “GomBurZa,” may bagong TV series siya na gagawin next year.

No description available.

LUMIPAD agad award-winning writer-director-producer na si Njel De Mesa papuntang Japan right after ng ‘Balik Sinehan’ campaign ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa TriNoma mall noong Pasko. May opisina kasi sa Japan si Direk Njel at may mga tinatapos pa siyang mga proyekto doon. Pero isa sa mga film projects ni Direk Njel na malapit ng mapanood ay ang napapanahong pelikula na Must Give Us Pause na kinunan sa Singapore.

Ang latest movie ni Direk Njel ay tungkol sa mga taong nawalan ng kamag-anak nu’ng pandemya at hindi nakapag-paalam ng maayos sa kanilang mahal sa buhay. Hindi lang si Direk Njel ang direktor kundi siya rin ang sumulat ng kwento at nag-produce. Pinagbibidahan nina Cheska Ortega at Shaneley Santos. “Iyakan kami parati sa set. Intense anfg mga eksena dahil mahuhusay ang mga artista namin,” pagmamalaki ni Direk Njel. Dugtong pa niya, “At syempre, marami na ring mga celebrities ang nagkaroon ng matinding mental health problems, na hindi na dapat ipagkibit-balikat ito ng mga Pilipino.” Ang Must Give Us Pause ay official entry ng Pilipinas sa Jinseo Arigato International Film Festival 2024 na idaraos sa Japan.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *