tili to the highest level…. MAINE MENDOZA, MULING LUMABAS ANG PAGKA-FANEY

tili to the highest level…. MAINE MENDOZA, MULING LUMABAS ANG PAGKA-FANEY

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

KUNG ang laman ng mga balita ngayon sa buong newsfeed ay ang pag chopper ni PBBM sa concert ng Coldplay, ay iba naman ang feeling ng mga celebrity couple na sina Maine Mendoza at Cong.Arjo Atayde na sobrang enjoy sa dalawang araw ng concert ng bandang Coldplay, sa Philippine Arena sa Bulacan, kung saan ang ating pangulo ay na-bash ng todo todo dahil sa sobrang trapik kaya gumamit ng helicopter para makauwi agad sa palasyo. Kung pwede nga lang daw makisakay sa chopper ay naki-join na din ang mga spotted celebrity at sabay sabay na silang makaiwas sa trapik na kasinghaba pa sa naturang arena. Kaya hayan ngarag at bangag ang karamihan sa mga nanuod pero ang sabi naman ng mga ito ay keri lang di naman daw nababayaran ng pera ang kaligayahan na kanilang naramdaman sa gabing Music of Spheres ng Coldplay.

Faney na faney ang mag-asawang Atayde lalo na si Maine na halos lahat ng kanta ng kanyang idolo ay todo hiyaw at sigaw as in one hapi family ayon sa kanyang Instagram na best concert sa tanang buhay mag-asawa nila ngayong 2024. Maliban sa kanila ay present din ang mag-jowang Marco Gallo at Heaven Peralejo na kamakailan lang ay naisyu sa kanyang stage madir, pero sweet na sweet pa din ang kanilang samahan at panay ang kiss ng celebrity couple. Tila ginawang date na ito ng mga magsyotang Kapuso na sina Rayver Cruz at Julie Ann San Jose, David Licauco, Alexa Ilacad ar iba pa. Kaya star studed ang naturang concert na umabot lang naman ng 300 million pesos ang Tf ng bandang coldplay sa kanilang engrandeng concert dito sa pilipinas.

No description available.

inaresto dahil sa malaswang music video… VLOGGER TONI FOWLER, NAGPIYANSA NG 120K

PAGKATAPOS nga makasuhan ng Cybercrime ang kontrobersyal na vlogger na si momshie Toni Fowler sa kanyang malaswang at nakakaelyang Music Video na MPL, FF at MNM ay pinaaresto ito ng Pasay City Prosecutors Office. At pagkatapos nga maaresto ang sexy starlet vlogger, nagpiyansa agad ito na umabot ng 120k. Kaya di na ito natulog sa loob ng malamig na rehas. Kung tutusin madami ang kumampi kay Toni Fowler, mapapansin mo sa mga reaksyon ng sambayanan ay di tanggap ang pag aresto sa kanya dahil lamang sa mga Music Video content na for arts lang naman.

Ang kanyang pinapakita at wala naman daw intensyon ang naturang sexy vlogger na impluwensyan ang mga menor de edad at ang makikitid ang utak sa kanyang artistic expression. Ang gusto lang naman na iangat ang buhay ng mga Pinoy na mabago ang kanilang pananaw sa buhay.Tila walang hustisya sa Pilipinas,aba kung makaaresto ng isang artista ay agad-agad ihain ang demanda pero kung politiko ang may ganyang isyu aabutin pa ng siyam-siyam ang pagdala sa kulungan.

Napaka-ipokrito na talaga ng nakaisip ng ganitong uri ng harassment parang di yata nasuri ng mabuti na ang mga Pilipino ay No.1 sa Google pagdating sa pagsearch ng pornsite at dapat ito muna tinutukan dahil malala na ang problema ng mga Pinoy pagdating sa ganito klaseng entertantment. Kaya nga namayagpag ang Vivamax at iba pang adult content apps ng mga kompanyang ini exploit ang imahinasyon ng mga maelya nating kababayan. Nagtatanong ang mga supporters ni Toni Fowler kung bakit siya lang ang pinag iinitan paano na daw si Joey de Leon sa kanyang mga green jokes di ba sila maghahain ng demanda? Mas madami pa nga natulungan itong si Toni dahil sa kanyang blog ay namumudmod ito ng sangkatutak na pera at salapi pati na gadget tulad ng mamahaling iphone, laptop kaya galit na galit yung mga nagmamahal sa kanya. Kung sino pa raw ang matulungin sa kapwa ay siya pa ang pinalalabas na masama?

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *