tita na ang dating… ROSANNA ROCES, INAMING WALA NG GUAPINGS NA NAIS ‘MAGPABINYAG’ SA KANYA -MAY SAMA NG LOOB KAY GARDO VERSOZA

tita na ang dating… ROSANNA ROCES, INAMING WALA NG GUAPINGS NA NAIS ‘MAGPABINYAG’ SA KANYA -MAY SAMA NG LOOB KAY GARDO VERSOZA

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.
No description available.

PINURI ni Rosanna Roces ang mga bida ng Kapamilya drama series na Pira-Pirasong Paraiso na sina Loisa Andallio, Elisse Joson, Alexa Ilacad and Charlie Dizon. Pahayag ni Osang, “Si Elisse, ang ganda ng nakikita ko sa batang ito. Kasi puwede siyang bida-kontrabida. At ang sarap niyang paglaruan, kasi puwede mong kawawain, puwede rin namang siya yung mangangawawa, di ba? Si Charlie, pinatunayan niya sa akin kung bakit best actress siya sa MMFF. Kasi nung nanalo siya, ‘Sino yun? Sino ang Charlie Dizon?’ Ganun ang mga reaksyon. Nu’ng naka-work ko na siya, ‘Ay! Kaya pala!’ Si Alexa naman, ganun din. Kahit huwag mong pagsalitain yan, ang mga mata niyan, nangungusap. At si Loisa na napaka-professional, sinasakal ko na siya… Kung nasaan ‘yung ulo niya is puro batu-bato. Kasi, nitso na yung kasunod, e. Sinasabihan ko siya, tinatanong ko siya, ‘Anak, nasasaktan ka ba? Nasasaktan ba kita?’ ‘Hindi, Tita! Ituloy mo lang! Sige lang! Sige lang!”

Tinanong din daw ni Osang ang isa sa mga direktor na si Raymund Ocampo kung sino sa apat na female stars ng serye ang pinaka-gusto niya. Kwento ni Osang, “Meron siyang magagandang sinabi sa bawat isa, pero sabi niya, ‘Pinakagusto ko si Loisa. Kasi talagang naibibigay niya yung hinihingi ko.’ ‘Pag sa direktor galing yan, ay! Iba yan!” Special mention din ni Osang ang isa sa male leads ng hit serye na si Joseph Marco Ayon kay Osang, “Si Joseph Marco ang tagal naming nagkasama niyan sa ‘Ang Probinsyano,’ as in. Parang naging magkapatid na kami niyan doon ‘no? Pati ano niyan, nakita ko na.Hihihi! Pinakikita naman nila kasi sa akin. Eh ako naman tinitingnan ko syempre. Pero walang malisya ‘yun. Mahal ko ‘yan si Joseph.” Sobrang seryoso na tao raw si Joseph at may plano sa buhay. “Alam nya ‘yung after many years nandito na siya. Pati pag-aasawa niya, naka-plano. Hindi siya ‘yung tira ng tira, ganoon. ‘Yun ang gusto ko ngayon, gusto ko ngayon. Pang-matagalan ‘yung tinatakbo ng career nya, kung kailan siya magkaka-girlfriend at kung kailan siya magaasawa. Planado niya lahat,” papuri ni Osang kay Joseph. Notorious si Osang sa showbiz na may pagka-pilya sa kanyang male co-stars sa set. Kaya tinanong namin si Osang kung nagkaroon ng chance na ‘nakaharutan’ niya si Joseph. “Lahat,” sambit niya. “Lahat nasasabi ko. Kunwari, naku! Ano ba ‘tong bunganga ko? Ayoko na. Hahaha!”

But after a while, nagkwento rin si Osang sa amin. “Kunyari, may nagkaka-crush sa kanya na senior din, ganoon. So, ako ‘yung, natutukso ko siya mg todo doon. Kahit mamatay-matay na siya sa kahihiyan, ako ‘yung talagang ano…hindi ko naman siya binu-bully. Pero ‘yan mamumuluktot lang ‘yan, ganoon.” Inamin ni Osang na walang nagparamdam sa kanya na younv male star na nakasama niya sa projects ng dating sexy star noon. Iba na raw kasi ang generation ngayon kesa sa panahon niya. And now, feeling ‘tita’ na lang daw siya sa mga batang male actors na katrabaho niya sa set. Wala na raw ‘nagpapabinyag’ sa kanya ngayon. “Wala na. Hahaha!” Sabay bawi niya, “Kala mo naman dati meron. Hahaha!” Kasama rin ni Osang aa PPP ang dating Seiko Films stars na sina Gardo Versoza at Snooky Serna.

“Nadiscover ko sa kanila now. Na hindi talaga mataray si Snooky. Tapos si Gardo naman ilang beses ako’ng niyayang mag-TikTok. Hindi ko napagbigyan kaya medyo masama ang loob ko. Uh, masama ang loob ko na hindi ko siya napagbigyan. I don’t feel good na hindi ko siya napagbigyan. Kasi hanggang last day niyaya niyang ako’ng mag-Tiktok.” Bakit ayaw niya? “Duguan na ako, eh,” katwiran ni Osang. “Yung ketchup nasa buong katawan ko.” Tutukan ang huling linggo ng Pira-Pirasong Paraiso sa Lunes hanggang Biyernes ng 2:00 p.m. at Sabado ng 3:00 p.m.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *