CALL CENTER AGENT KALABOSO SA SEXUAL ASSAULT SA MUNTINLUPA CITY

CALL CENTER AGENT KALABOSO SA SEXUAL ASSAULT SA MUNTINLUPA CITY

ARESTADO ng mga operatiba ng Makati City Police Station, kasama ang Warrant and Subpoena Unit, makaraang isilbi ang Warrant of Arrest (WOA) laban sa Top 8 Most Wanted Person (TMWP) District Level. Nabatid sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek, bandang alas-10:35 ng umaga kamakailan sa Alabang, Muntinlupa City. Kinilala ng mga kapulisan ang salarin na si alyas “Rayven”, 47 taong gulang, isang call center agent, at wanted sa krimeng panggagahasa o ang tinatawag na “Rape Through Sexual Assault”.

Ang arrest warrant ng suspek, ay inilabas ni Honorable Karen Matti Sy, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 145, Makati City na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. R-MKT-23-02999-CR, may petsang November 7, 2023, na mayroong inirekomendang piyansa na ₱120, 000.00. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *