DRUG SUSPECT, KALABOSO SA LAS PINAS CITY

DRUG SUSPECT, KALABOSO SA LAS PINAS CITY

No description available.
No description available.

MATAGUMPAY ang pagpapatupad ng batas, matapos mahuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station-Drug Enforcement Unit (LPCPS-DEU), ang suspek na si alyas “Jim”, 55-anyos na nakalista bilang Street Level Individual (SLI) sa Drug Watchlist sa Barangay Talon Uno, Las Piñas City, bandang alas-9:50 ng hapon kamakailan. Ayon sa ulat ng pulisya, ang operasyon na isinagawa bilang tugon sa isang Search Warrant na inisyu ng Honorable Elizabeth Guray ng Regional Trial Court (RTC) Executive Judge, Las Piñas City.

Narekober ng mga awtoridad ang labing-isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, na humigit-kumulang 15 gramo. Nabatid pa sa ulat ng pulisya, ang tinatayang street value umano ng nakumpiskang substance ay nagkakahalaga ng ₱102,000.00.

Kasama rin sa mga nasamsam ng mga kapulisan ang isang maroon pouch, rolled aluminum foil, tatlong disposable lighter, asul na cash box, at isang Techno Android cellular phone. Nasa kustodiya ng Las Piñas City Police Station ang suspek habang ang mga nakumpiskang drug evidence ay ililipat sa Southern Police District-Forensic Unit (SPD-FU) para sa qualitative at quantitative analysis. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *