KANDIDATURA NI WILLIE REVILLAME, PINAGTAASAN NG KILAY NI CRISTY FERMIN

KANDIDATURA NI WILLIE REVILLAME, PINAGTAASAN NG KILAY NI CRISTY FERMIN

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

HINDI nagpatumpik-tumpik ang beteranang showbiz journalist na si Cristy Fermin sa pagsasalita tungkol sa isyu umano ng pagpasok sa pulitika ng TV host-actor na si Willie Revillame. Nagdeklara kasi si Willie ng kanyang kahandaang tumakbo sa pagka-senador sa taong 2025. Ito ay nasabi niya nang um-attend siya sa prayer rally noong Linggo sa Davao City. Sa Cristy Ferminute, binatikos ni Cristy ang sinabi ni Revillame na ‘kusang-loob po akong tumutulong’. Sey pa niya: “Ako mismo makakapagpatunay, na kapag tumulong ka, nanunudsod ka! Binabalikan mo ‘yung mga taong tinulungan mo, nanunumbat ka. ‘Yan ba ‘yung kusang-loob?” dagdag pa niya.

Aniya, siya raw mismo ay nakaranas ng panunumbat ng TV host. Ang tinutumbok ni Nanay Cristy ay ang naging isyu sa kanila noon ni Willie kung saan ipinamukha umano nito ang ginawang pagtulong sa kanya. Dahil din sa panunumbat, isinauli na lang ng TV host ang mga ibinigay sa kanya ni Willie, kabilang na ang isang condo unit. Patuloy pa niya, “Siyempre, kapag ka ikaw ay tatakbo, best foot forward ‘yan. Lahat ng magaganda, ‘yan ang sasabihin mo. Kaya sa akin, kung tatakbo siyang senador, sa pipiliin ko, wala ang pangalan ni Willie Revillame,” wika pa niya.

Nag-aaalala rin ang batikang kolumnista na baka maging puppet lamang si Willie sa mga ididikta sa kanya ni dating Pangulong Duterte. “Public servant ka. Ikaw ang dapat na gumawa ng paraan para magserbisyo-publiko ka. Nakakatakot lang ito,” ang punto ni Nanay Cristy. Aniya pa, masyado pang maaga para magdeklara ng pagtakbo sa susunod na eleksyon. “Kaya sa akin, kung tatakbo siyang senador, sa pipiliin ko, wala ang pangalan ni Willie Revillame,” ang sabi ni Nanay Cristy.

Hindi rin nakaligtas sa “CristyFerMinute” host ang hitsura ng TV host sa naganap na prayer rally sa Davao City. “Ang laki ng itinanda, oh! Tingnan mo itsura, oh. Ang laki-laki ng itinanda niya, ‘di ba?” Wala pa namang pahayag si Willie sa mga naging patutsada sa kanya ni Tita Cristy.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *