may pusong bato sa ama? JULIA BARRETTO, DEDMA PA RIN SA PANUNUYO NI DENNIS PADILLA

may pusong bato sa ama? JULIA BARRETTO, DEDMA PA RIN SA PANUNUYO NI DENNIS PADILLA

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

MARAMING netizens ang naawa sa comedian at ama ng mga Barretto (Julia at Leon) na si Dennis Padilla sa patuloy pa rin nitong pagmi-message sa mga anak kay Marjorie Barretto kahit dinidedma lang siya ng mga ito. Sa Instagram message ni Dennis nitong February 1, 2024, muling nagpaabot ng message ang ama kay Julia.

“Dear Juy,di ko matandaan kung kailan tayo huling nagkita at Hindi ko rin matandaan kung kailan tayo huling nagkausap,” madamdaming post ni Dennis Kaya’t ramdam sa kanyang post ang labis na pangungulila sa mga anak.

Sa punto ring ito, marami ding kumokondena sa mga anak nito lalo na Kay Julia, kung bakit natitiis nitong bale-walain ang pakiusap ng ama na makita siya. Madali ang komunikasyon sa ngayon, halos lahat ng tayo ay may cellphone. Bakit ni hi o ni ho ay di mareplayan ama? Sana inalam ni Julia kung may karamdaman ang kanyang ama o nangangailangan ng kanyang tulong? Napakatigas naman ng puso ni Juy? Tandaan lagi, ang pagsisisi ay laging nasa huli.

No description available.

KATHRYN BRERNARDO, FOREVER KAPAMILYA

FAKE news ang naunang espekulasyon na lilipat na si Kathryn Bernardo sa pàgmamahalan ng Crown Artist Management na pagma-mayari ng mag-ásawang Maja Salvador at Rambo Nuñez. Pinabulaanan ito ng Star Magic sa kanilang panibagong statement na di-totoo ang tsismis na lilipat ang A-lister nilang talent na si Kathryn Bernardo. Daliang inanunsiyo ng Star Magic nitong Huwebes, January 31 àng pagri-renew ng exclusive contract ngayong Biyernes February 2. Mababasa sa caption ng Star Magic kalakip Ang litrato ni Kathryn, “A very special milestone is afoot our Asia’s Superstar and Outstanding Asian Star, Kathryn Bernardo. This February 2, witness Kathryn flip the page to new stellar adventures as a Kapamilya in her Forever Kapamilya contract signing.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *