BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE, DI MAN NAG-UNFOLLOW SA ISA’T ISA SA SOCMED, PAREHO NAMAN DI NAGLI-LIKE

BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE, DI MAN NAG-UNFOLLOW SA ISA’T ISA SA SOCMED, PAREHO NAMAN DI NAGLI-LIKE

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

TILA mauuwi sa wala ang planong kasal nina Bea Alonzo at Dominique Roque dahil sa tuwing tinatanong ang actress, aniya’y wala pa raw plano ang kanyang fiancee. Or, dapat daw two-way ang relasyon? Both ay nagbibigay ng opinion sa estado ng kanilang kasal? Matatandaang nagpropose ng engagement ang actor sa dalaga subali’t hanggang doon lamang pala ang kanilang engagement. Sa tuwing tinatanong ang dalaga, marami pa raw siyang dahilan o aasikasuhin habang ang actor ay nakatengga ang career? Sa tuwing tinatanong ang dalawa, lagi nilang sinasabi na wala pa silang plano ukol sa kasal. Napapansin din ng mga netizens na hindi na suot yung engagement ring nila.

Kasabay nito’y hindi na raw nagla-like sa kanilang post ang isa’t isa . Pero di naman daw nag-unfollow ang bawa’t isa Kaugnay nito usap-usapan sa programa ng sikat na vlogger na umano’y hanggang paasa lang ang dalawa subalit sa kabila nito’y may balitang di na nagkakaintindihan at hiwalay na raw ang couple. Sa kanyang Showbiz Update, sinabi raw ng kanyang source na September daw ang planong kasal ng dalawa sa Madrid, Spain. At yung isa niyang source ay nagsabi na, “tuloy naman daw ang kasal at baka lang daw may wedding jitters si Bea. Ayaw daw nitong ibahagi o i-discuss ni Bea para may mystery hanggang sa maikasal sila,” sey ni Ogie.

Kaya lang inaalam din ni Ogie ang isa pa niyang source kung totoo ang sinasabi niyang hiwalay na raw ang dalawa? “Sabi ng isa kong source ,wala na raw sila? Hiwalay na sila? ‘yung Japan nila huling post na nila yun. Kaya inaabala o bini-busy na lang ni Bea ang sarili.” Napansing din daw ng netizens na wala si Bea sa birthday ng mother ni Dominique na dati namang pinupuntahan ni Bea. Sey ni Ogie, “(Pero) sinusuyo pa rin ni Dominique si Bea para sila ay magkaayos.” Sa darating na Valentine’s Day sa February 14, naitanong sa actress kung may plano ba silang mag-date sa Araw ng Mga Puso o lumabas ni Dominique? “Wala pang plano. Kasi, taping day namin ‘yun,” dahilan pa ng actress.

No description available.

DIREKTOR, BIKTIMA NG WARRANTLESS ARREST?

NAGSANIB-puwersa ang ang Ilang organisasyon sa showbiz industry at ang Director’s Guild of the Philippines,Concert Artist of the Philippines, para palayain ang award-winning director na si Jade Castro. Si Direk Jade ay biktima umano ng warrantless arrest pagkatapos akusahang nanunog sa isang modern jeepney na pag-aari ng Gumaca Transport Service Cooperative sa Catanauan, Quezon noong Enero 31,2024.

Kabilang si Direk Castro sa apat na lalaking inaakusahan nang panununog. Ayon sa statement na nilagdaan ng DGPI president Mark Meiley. “On February 1,2024, filmmaker and film producer Jade Castro was arbitrarily arrested and suspected of arson in Mulanay, Quezon . In a tweet he attached the news item that reported the arrest of four personalities and included his picture. Castro declared his innocence and stated that he was on vacation with friends when personalities of Philippine National Police (PNP) arrested them for a crime that occurred in Catanauan, Quezon. In a later tweet, Castro shared more disturbing information and according to him, the arrest was warrantless. Jade Castro was a vetted DGPI member and an important voice of the Philippine Independent Cinema. We stand by his innocence and testify to his good character. We urged clarity on the matter from the authorities involved and the immediate release of Jade Castro from detention.”.

Inilahad umano ng saksi, isang jeepney driver na si Carl Villanueva na apat na armadong kalalakihan at may suot na bonnet na nag-utos umanong bumaba ang mga pasahero mula sasakyang modern jeep at saka nila ito sinilaban.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *