ARNOLD CLAVIO, DEDMA SA MGA BASHERS NG KANYANG IGAN FOUNDATION

ARNOLD CLAVIO, DEDMA SA MGA BASHERS NG KANYANG IGAN FOUNDATION

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO ww deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.

ALAM ni Arnold “Igan” Clavio kung gaano kahirap ang magkasakit Bukod sa pinagdaraanan sakit na dinaranas ay mahirap din ang walang panggastos para sa gamot na gagamitin ng isang kabataan may sakit. Marami ang hindi nakakaalam na may mga kabataan na patuloy ang ginagawang pagpapagamot ni Igan sa mga ito na may sakit na Type 1 and Type 2 diabetes. Mahal din ang gamot para sa mga ito at alam ni Igan na sa mga kabataan na hindi naman nakakariwasa sa buhay kung paano at saan nila kukunin ang pera para pambili ng kanilang gamot sa diabetic. Sa pamamagitan ng Igan Foundation ay maraming kabataan may sakit na diabetic ang patuloy niyang ginagastusan para gumaling.

Bukod sa gamot na kailangan ng mga kabataan ay may sarili rin silang doctor na tumitingin para masiguro kung normal o tumataas ang blood sugar ng mga ito Kamakailan ay nagpa-block screening si Igan ng isang movie na sinuportahan ng mga donors ng Igan Foundation kasama rin ang mga dalubhasang mga doctor at siyempre ang mga kabataan may diabetes para makapag-enjoy. Nagpapasalamat si Igan sa mga donors at sponsors ng Igan Foundation para magtuloy-tuloy ang pagtulong niya sa mga nangangailangan, lalo na sa mga kabataan na hirap sa buhay na may sakit na matagal ang gamutan.

Sa dami ng may diabetes sa bansa na karamihan ay mga bata pa ang tinamaan. Hindi papayag si Igan na hindi sila matulungan kaya he make sure na lahat ng mga kabataan nasa pangangalaga ng kanyang foundation ay gumaling sa kanilang mga karamdaman. Marami ang hindi nakakaalam na madaling lapitan si Igan para humingi ng tulong. Laging bukas ang palad ng batikang radio/TV broadcaster sa mga mahihirap nating kababayan, particular na pagdating sa mga kabataan na nangangailangan talaga ng tulong. Lahat ng kanyang project ay suportado ng mga iba`t-ibang sponsors kaya naman tuloy-tuloy ang ginagawa ni Igan na pagtulong. Hindi rin nakakaiwas si Igan sa intriga binabato sa kanya. Sa halip na patulan ay pinasasa-Diyos na lang niya ang mga binabatong paninira sa halip na sagutin at patulan pa.

Masakit kay Arnold Clavio ang pagpanaw ng kanyang mentor at tinuring na ama sa paghahatid ng balita na si Mike Enriquez. Lagi silang magkasama sa paghahatid ng balita, ma-TV man o radio kaya ganoon na lang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng veteran broadcaster na si Sir Mike. Inamin ni Igan na marami siyang natutunan kay Sir MIke pagdating sa paghahatid ng balita. Going back sa Igan Foundation, hindi magiging successful ang mga project ni Igan kung wala ang kanyang mga sponsors at supporters. Sabi nga ni Igan, “Marami tayong mga nakakariwasa sa buhay ang handang tumulong. Ang problema ng mga ito ay kung saan at kanino sila dapat tumulong at magtiwala para magpaabot ng tulong.” Nagpapasalamat si Igan sa mga sponsors na nagtiwala sa Igan Foundation at nangako na lahat ng kanilang suporta at tulong ay mapupunta talaga sa mga taong nangangailangan ng aruga.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *