underwear ipinahiram… KIRAY CELIS, SAVING GRACE NI ARCI MUNOZ

underwear ipinahiram… KIRAY CELIS, SAVING GRACE NI ARCI MUNOZ

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

MASAYA si Kiray Celis dahil muli na naman siyang aarangkada sa pagbibida sa pelikulang Malditas of Maldives. Huling nagbida kasi ang komedyana sa horror-comedy na “I Love You To Death” kung saan nakapareha niya si Enchong Dee noong 2016. Ayon naman sa Palanca-award winning filmmaker, sobra siyang napabilib sa pagiging trouper ni Kiray sa shoot ng kanilang pelikula. Katunayan, masasabing saving grace raw ito kaya natuloy ang pelikula dahil ito ang nagpahiram ng panties kay Arci. Nawala kasi ang luggage ni Arci while in transit sila sa Maldives kaya na-depressed ito at halos nawalan na ng gana na ituloy ang pelikula.

“Alam mo naman, ready talaga ako.Maldives iyon so, naghanda talaga ng pa-outfit ko. Na-sad nga lang ako sa nangyari kay Arci kaya nag-offer ako ng panties ko na gamitin niya,” ani Kiray. Ang nasabing pelikula ay isang komentaryo tungkol sa vloggers na mahilig magdaot ng mga artista para mag-viral lang ang kanilang mga videos sa social media na kadalasan ay nagiging toxic practice at kinunan pa sa Maldives. First time makakasama ni Kiray ang dalawang co-stars na sina Arci Munoz at Janelle Tee. Ani Kiray, hindi raw siya na-insecure sa kaseksihan ng kanyang co-title rolers. Never din daw niyang naisip na ang pagpunta nila roon ay para makipagkumpentensiya siya sa dalawa sa pagdi-display ng alindog.

“Wala. Bata pa talaga ako, di ako naiinggit. Parang happy lang ako. Actually, sobrang saya ko ngayon. I mean, ito iyong life ko. Ito iyong pinakamasaya ko, so walang room para mainggit ako sa ibang tao. Aside from that, I’m happy for them kung anong meron sila. Iba’t iba naman tayo ng ginagawa sa buhay at iyong mga katawang ganyan nakuha nila iyan kasi pala-work out sila, pala-diet. I mean, di mo naman makukuha lang iyan na di ka nag-e-effort o walang ginagawa, kaya happy lang ako sa kanila,” aniya. Wala rin daw siyang dapat ikainggit sa dalawa lalo pa’t naniniwala naman siyang may sarili siyang kakanyahan na wala sa co-stars.

“Kailangan ko rin talagang i-embrace sa sarili ko na talagang di ko puwedeng i-compare ang sarili ko sa iba. Besides, nasa company ako ng happy people. Masaya iyong kuwarto ko, masaya ang pamilya at bahay namin, masaya ako sa mga kaibigan ko. Masaya ako na may mabait at loyal akong dyowa , so ano pa ang hahanapin ko. I mean, three years old pa lang ako nagtratrabaho na ako at natutulungan ko ang family ko, so ano pang kulang sa akin? Eh, masaya naman ako dahil patuloy na dumadami ang mga kaibigan ko,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, kung noon daw ay sobra siyang mapagpatol sa bashers, na-realize raw niya na hindi ito worth her time. “Kung tatanungin ako, noon. Sobra. Pero ngayon, na-realize ko, kailangan ko palang lumayo sa mga toxic na tao dahil di sila kailangang patulan,” ani Kiray. Ang haba naman ng hair na sinabi na proud siya kapag may humahanga o umaali-aligid sa kanyang guwapong dyowa.

“Natutuwa ako kapag kino-complement ako kunwari ng mga bakla na lumalapit sa akin na ‘Oy, ang pogi ng boyfriend mo.’ Super talaga. Very supportive ako, ganoon ako. Alam iyon ng mga close friends ko. Nasaksihan naman nila kung gaano ka-gentleman, ka-supportive iyong dyowa ko. Sa shoot namin sa Maldives, siya pa iyong tagabitbit ng mga maleta ko. So, talagang proud ako dahil bukod sa guwapo, legit naman talagang mabait at loyal siya sa akin. Actually, ako talaga ang alagain sa amin,” pagtatapos niya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *