BEST ACTRESS VILMA SANTOS, WALA NG DAPAT PATUNAYAN PA

BEST ACTRESS VILMA SANTOS, WALA NG DAPAT PATUNAYAN PA

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

VINDICATED si Vilma Santos dahil siya pa rin ang nanalong Best Actress sa ginanap na Manila International Film Festival dahil sa kanyang pelikulang “When I Met You In Tokyo” na nauna na rin niyang napanalunan sa Metro Manila Film Festival nu’ng December 2023. Sobrang naging kontrobersiyal ang pagbabalik-pelikula ng Star for all Seasons, dahil grabeng intriga na ang ipinukol sa kanya nu’ng suwerteng mapili ng MMDA ang movie nila ni Christopher de Leon para mapasama sa naging sampung pelikula na kalahok sa MMFF. Sinimulan na ang intrigang may lakaran, palakasan at dayaan diumano na nangyari.

Nang si Vilma ang manalong Best Actress ay lalong umugong ang mga intriga. Kesyo pinaboran daw ng mga hurado si Vi, dahil mga Vilmanians sina Direk Chito Rono at Lorna Tolentino, na pinukol din ng maraming intriga. Nang gaganapin ang MIFF ay hinulaan ng intrigero’t intrigera sa showbiz, na hindi na magwawagi doon si Vilma, dahil iba na ang mga hurado. Mananalo daw ang mga mas bata na mahuhusay din na dapat mabigyan din ng pagkakataon. Ipinagkibit-balikat na lang ng premyadong aktres ang mga pagbatikos sa kanya. Good karma pa rin talaga ang para sa kanya. Siya pa rin ang Best Actress ng MIFF. Wala pa ring kupas ang kanyang kahusayan sa pag-arte. Mahirap pantayan. Klap! Klap! Klap!

No description available.
No description available.

MARAMI ang naging masaya sa pagwawagi nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes bilang mahuhusay na mga aktor sa ginanap na Manila International Film Festival. Si Piolo ay nanalo, dahil sa pelikulang Mallari at si Dingdong naman ay sa pelikulang Rewind. Nu”ng December na manalong Best Actor si Cedric Juan sa Metro Manila Film Festival ay pinanghinayangan at pinagtakahan ng masa kung bakit hindi nanalo sina Piolo at Dingdong. Pero kahit may malalaking pangalan sina Piolo at Dingdong, ay hindi naman kinuwestiyon ang kahusayan ni Cedric sa pelikulang Gomburza na nagpanalo sa kanya. Pagtataka lang, dahil maliit lang ang pangalan ni Cedric kumpara sa kasikatan nina Piolo ay Dingdong. Pero si Cedric ay mahusay na, dahil year 2019 ay nagsimula siya sa showbiz at nakagawa na ng maraming pelikula. Kung dito sa Pilipinas ay bagyong humataw sa takilya ang mga pelikulang Rewind, Mallari, Firefly, Gomburza at Family Of Two ay naging matagumpay din ang mga ito maging ang When I Met You In Tokyo sa Manila International Film Festival, at doon ay umani ng papuri sa prestihisong pagdiriwang ng festival sina Piolo at Dingdong.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *