CHUA ‘NUMERO UNONG TAGASUPORTA’ NG GILAS PILIPINAS

CHUA ‘NUMERO UNONG TAGASUPORTA’ NG GILAS PILIPINAS

INIHAYAG ni San Miguel Corporation, sports director at Barangay Ginebra PBA governor na si Alfrancis P. Chua na patuloy pa siyang makakatulong sa kanyang koponan bilang may katungkulan kahit may mga family commitments at personal na inaasikaso para sa new business na kanyang prayoridad.

Nabatid sa ulat ng isports, na umano’y magbibigay pa rin si Chua ng oras sa koponan upang harapin ang tungkulin bilang Gilas team manager at tinitiyak niya na maging No. 1 cheerleader at tagasuporta ng national squad. “I’ve been asked by our friends from media if I’ll continue to be involved with Gilas as team manager,” sabi ni Chua. Idinagdag pa niya, “Unfortunately, my family commitments and a personal project for a new business leave me little time to give my usual 110 percent to Gilas. In Hangzhou, I was privileged to work hand-in-hand with our team and as everyone knows, when I take on a challenge, I give it my all.”

Tiniyak ni Chua na patuloy niyang suportahan ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa anumang paraan na posibleng matulungan at mananatili bilang numero uno na sumusuporta sa team. Inilahad ni Chua, “While I won’t be able to join Gilas as team manager, I will continue to support our team in any way possible and be in the stands as Gilas’ No. 1 Cheerleader.” Ayon pa sa ulat ng isports, malaki ang kontribusyon na ginampanan na papel ni Chua sa tagumpay ng Gilas bilang team manager sa Asian Games sa Hangzhou noong Oktubre nang nakaraang taon, pagkatapos ng 61 taong paghihintay ng Pilipinas para sa gintong medalya sa men’s basketball.

Ayon pa kay Chua, “I attended practice, brought food packs and water for our players and did everything to support our team both on and off the floor.” Malaking naiambag ang tulong ni Chua sa koponan ng bansa tulad ng kanyang hands-on style sa paghawak ng team Pilipinas, mga detalyadong taktika para sa laro, maalalahanin sa pag-aalaga na mayroong fighting spirit at talino sa basketbol na kahanga-hangang gabay at patnubay na nag-ambag sa tagumpay ng Gilas. Ang mga pagsisikap na tulong ni Chua sa likod ng mga eksena sa Hangzhou ay hindi naiulat at iyon ang gusto niya na hindi men pleasers. Subalit pinatunayan ng koponan at mga manlalaro ang dagdag na tulong na ginawa niya sa pagdalo at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng bawat manlalaro at coaching staff na tinutulungan niya ng bukal sa kanyang kalooban.

Gayundin, pinuri ni Chua ang partnership at kooperasyon nina PLDT/Smart CEO Manny V. Pangilinan at San Miguel Corporation CEO Ramon S. Ang. Ang pagtutulungan ay humantong sa matagumpay na pagtatanghal ng bansa sa 2023 FIBA World Cup at ang pagbabalik sa tuktok ng Asian basketball na ang Pilipinas ngayon ang magaling sa laro ng basketbol. Mula nang maupo bilang San Miguel Corporation, sports director, ginabayan ni Chua ang San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel, at Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa kabuuang anim na semifinals na magkakasama at 25 finals na indibidwal sa 27 conference. Ayon pa kay Chua, “It’s not about me.” “It’s about the coaches and players.” Samantala, manalo man ang San Miguel Beer o Magnolia Hotshots para sa pagpapatuloy na Commissioner’s Cup Finals 2024, ito ang magiging 22nd championship ni Chua sa SMC bilang isa sa mga lider ng koponan. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *