PARAÑAQUE’S TOP 1 MOST WANTED SA ‘KASONG RAPE’, ARESTADO

PARAÑAQUE’S TOP 1 MOST WANTED SA ‘KASONG RAPE’, ARESTADO

KALABOSO ang isang driver na umano’y nahaharap sa kasong paglabag na sekswal na panggagahasa o pag-atake sa biktima, matapos isinilbi ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station Warrant and Subpoena Unit ang kanyang Warrant of Arrest (WOA). Ayon sa ulat, naaresto ng mga kapulisan ang Top 1 Station Level Most Wanted Person, bandang alas-2:15 kamakalawa (Pebrero 5, 2024) sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Kinilala ni P/Bri.Gen. Mark D Pespes, District Director ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si alyas “Arnold”, 32 taong gulang, na isang courier/driver. Nabatid sa ulat ng pulisya, si Arnold ay may nakabinbing arrest warrant para umano sa 4 counts ng “Rape by Sexual Assault” sa ilalim ng Article 266-A Paragraph 2 ng Revised Penal Code na sinusugan ng Republic Act No. 8353 (The Anti-Rape Law of 1997). Bukod pa dito, ang suspek ay nahaharap rin umano sa 2 counts ng kasong paglabag sa Seksyon 5 (B) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Ang warrant of arrest ay nilagdaan at inisyu ni Honorable Judge Moises Domingo De Castro ng Family Court Branch 10, Parañaque City noong Enero 17, 2024 na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.00 para sa bawat bilang. Kasalukuyang nakakulong sa Custodial Facility ng Parañaque City Police Station ang suspek habang nakabinbin ang commitment order mula sa issuing court. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *