POKWANG AT MAUI TAYLOR, SALUNGAT ANG PANANAW PAGDATING SA PAGPAPA-SEXY

POKWANG AT MAUI TAYLOR, SALUNGAT ANG PANANAW PAGDATING SA PAGPAPA-SEXY

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

Sa kanyang latest movie na Slay Zone na ipapalabas sa darating na Valentines Day ay wish na wish ng inyong Mamang Pokwang na maging isang sexy star o boldstar. Yan ang kanyang matagal ng hiling na sana may mag offer sa kanya ng ganyang kakaelyang role para nga naman daw maiba at di magsasawa ang kanyang mga tagahanga. Di naman si Pokwang ang tinanong ng press na dumalo sa naturang premier night kundi si Maui Taylor, kung bakit daw di na siya nagpapaseksi sa kanyang mga pelikula, ang dahilan pala ay ang kanyang dalawang batang anak na mga lalaki na siya mismo ang umayaw na sa ganung mga roles dahil nga raw ayaw niyang mapa hotseat pag tinanong ng kanyang mga dyunakis na ang kanilang mommy ay isang sexy star.

At takot pala itong dating Viva Hot Babe na i-bully ang kanyang anakis na sobrang cute at gwapo ages 10 at 8 kaya itong si Mamang Pokie na lang ang sumagot na willing siyang tumangap ng mga sexy boldy film basta wag daw matakot ang producer na malugi at sisihin pa siya kung mag flopsina ang pelikula. Inferness naman kay Pokwang sa kanyang role dito ay maganda ang twist at phasing ng story di siya boring dahil pinag isipan ng todo todo ang kwento nito at masasabi mong kakaiba ang twist dahil sa huli ay dun mo na malalaman ang napakasakit na katotohanan. Kaya ano pa ang hahanapin nyo sa Valentines Day manuod at enjoy nyo ang handog na tiyak lulundag kayo sa upuan habang nanginginig sa takot at lagim ng kakaibang suspense thriller ng wide films international.

No description available.

KAKAIBA talaga ang dating ng isang Marc Cubales na tiyak magtataasan ang kilay ng madlang fashionista. Aba sa kanyang pagrampa noong finals ng Miss universe philippines Quezon City ay kinabog at tinalbugan nito ang mga idolong host ng Kapusong si Boy Abunda sa pananamit ng kanyang outfit, na di mo alam kung pati si Kuya Germs ay ginaya pa nito sa kanyang style na ala Master Showman. Kaya sa kanya na lang nakatitig ang mga audience imbes na sa asawa niyang rumarampa at nakipagkompetensya sa naturang pageant, na umabot naman sa top 10 si Josephine Joyce Pilarsky Cubales.

Kaya madami ang nadismayang faney ng mag asawa dahil di na lang pinagbigyang ipasok sa top 5 siguro nakita ng mga judges na hirap na hirap itong igalaw ang katawan na parang tiniis lang ni Madam Joyce ang kanyang pageant para mairaos ito ng maayos. Pero itong si Marc Cubales ay talagang di nagpakabog mukhang may pagka RS Francisco din itong kumilos na astig at yayamanin ang taste kaya kung ikaw ay pamilyar kay Boy Abunda, Kuya Germs at RS Francisco, hay naku nasa iisang katauhan na lang sila sa ngayon, walang iba kundi itong si marc cubales na isang producer ng Cosmo King And Queen.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *