kaya mas lalong minahal ng mga Pinoy…. KATHRYN BERNARDO, UNDERDOG?

kaya mas lalong minahal ng mga Pinoy…. KATHRYN BERNARDO, UNDERDOG?

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.'
No description available.
No description available.

MULA nang makipaghiwalay kay Daniel Padilla, ay mas lalong sumigla ang career at mas lalong naging mabango si Kathryn Bernardo sa advertisers. Hindi lang kasi ang kanyang mga tagahanga ang nakisimpatiya sa kanya, kundi pati na rin ang advertisers, na naniniwalang siya ang underdog sa naging split up nila ng dating kasintahan. Ito ay dahil na rin sa pananahimik ni Daniel Padilla sa mga isyung ipunupukol sa kanya sa tunay na sanhi ng kanilang naging hiwalayan ni Kathryn.

Sa Instagram naman, pinusuan ng maraming netizen ang kaliwa’t kanang endorsements ni Kathryn. Sa post ni Kathryn tungkol sa kanyang endorsement ng isang kilalang apparel line, hindi napigilang magkomento ng sexy actress na si Chie Filomeno. Natigagal ito sa dami ng billboards ng aktres sa Guadalupe sa EDSA. “Ginawa mong Instagram ang Guadalupe. Nag-post ka ng carousel kathkaaath!!”, aniya. Sa naturang endorsement campaign, nagpahayag naman ng suporta kay Kath ang kilalang businessman na si Ben Chan. Aniya: “You are and forever be our Bench baby! Your positivity and strength defines you and has kept you in the pinnacle of success through the years. You have endured a lot and still remain on top of the game @bernardokath” ” Hirit naman ng kibitzers, nainggit daw si Chie sa pagiging in demand ni Kathryn bilang endorser. Sina Kathryn at Chie ay nagkasama sa pelikulang “A Very Good Girl” na isa sa highest grossing Pinoy films noong nakaraang taon.

No description available.

MALDITAS IN MALDIVES

ISA sa sampung magagandang pelikula na nagawa ni Direk Njel de Mesa mula sa kanyang film production company na NDMstudios ay ang Malditas In Maldives na itinatampok ang Muse of Philippine Cinema na si Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee. Isa itong comedy film na ang kabuuan ng pelikula ay kinunan mismo sa Maldives. “Amin pong hangad na makapagbigay ng nakakatawang karanasan sa aming mga manonood. At sa tulong ng mga napakagaling na mga artista naming sina Arci, Kiray, at Janelle, alam naming magiging espesyal ang ipapakita namin sa inyo. Ginawa namin ito dahil dream destination ang Maldives! Kaya talagang ginastusan namin ang produksyon, kaya lang sinira ang diskarte namin ng mawala ang aming mga bagahe.” Iyon ay dahil hindi lang ang mga karakter sa pelikula ang may kamalasang sinapit. Nawala at hindi kasi dumating ang personal na bagahe ni Arci pati na rin ang ilan sa mga kritikal na film equipment ni Direk.

“Hindi dumating yung mga light stands namin, underwater cinematography equipment, scuba gear, boom at sound equipment—maliban sa personal kong mga kasuotan at costumes. Kay Arci naman lahat ng personal niyang gamit at make-up. Wala siyang maisuot. Kaya pinagtulung tulungan na lang ng mga co-actors niya at ni Ms. Jan (ang line producer). Kung kayo’y babyahe at magpapalipat lipat kayo ng eroplano, pumili kayo ng mahabang layover—higit sa dalawang oras ang pagitan kasi madaling mataranta ang ground staff ng airports at baka rin ma-delay ang flights”. Sa dulo, napagtagumpayan naman ng produksyon ang mga hamon sa kanila ng tadhana—kahit pa nasa isla sila na walang mga malls at mabibilihan ng kagamitan o kasuotan. Sa kabuuan ng komedya, pakikipagsapalaran, at pag-ibig, ang Malditas in Maldives ay isang kakaibang pelikula na dapat abangan. Kaya’t maghanda na sa pagtawa.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *