sa hindi pangmasang lugar ang tagpuan…. ANDREA BRILLANTES AT KYLE ECHARRI, SUPER TAGO NG KANILANG RELASYON

sa hindi pangmasang lugar ang tagpuan…. ANDREA BRILLANTES AT KYLE ECHARRI, SUPER TAGO NG KANILANG RELASYON

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

HULI sa kamera sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na magkasama sa BGC, Taguig City. Kalat na sa X ang larawan nina Andrea at Kyle na namamasyal. Na-piktyuran sina Andrea at Kyle, na tinawag ng netizens ngayon as KyleDrea, na magkasama habang nakasakay sa elevator. Bukod doon may isa pang piktyur na nakatalikod at naglalakad habang naka-angkla naman ang isang kamay ni Andrea sa braso ni Kyle. At para sa mas malinaw na kuha, isang video pa ng dalawa ang nakakalat sa X at pinagpipistahan ng netizens kahapon. Ayon naman sa aming source, palagi raw talagang nakikitang magkasama sina Andrea at Kyle sa BGC. May drama pa raw ang dalawa na kapag kasama ang kanilang mga kaibigan ay “behave” lang sila at palalabasin na magkaibigan lang. Umaarteng mag-dyowa lang sika kapag solo flight na sila sa mga lakad. Katunayan may nakakita rin daw sa dalawa na bitbit pa ni Kyle ang handbag ni Andrea. How sweet, deevah? Siguro naman titigilan na ng pamba-bash si Andrea ng KathNiel fans.

No description available.

SUPER kyut ng bagong baby ni Cavite District Representative Jolo Revilla sa kanyang misis na si Angelica Alita, si Lauren Angela or LA. Now na one-week na si Baby LA busi-busihan na muli si Cong. Jolo sa kanyang consitutents sa Cavite at tutukan ang mga bagong batas na ihahain niya sa House of Representatives. Last Tuesday, February 6 ay nagpulong ang mga stakeholder ng edukasyon sa lalawigan ng Cavite sa Adventist International Institute of Advanced Studies para sa 2023 Stakeholders’ Summit, na inorganisa ng lokal na Department of Education (DepEd) Schools Division Office. Isang magkakaibang grupo, kabilang ang mga opisyal ng pampublikong paaralan, guro, punong-guro, opisyal ng lokal na pamahalaan, pribadong ahensya, at indibidwal, ang nagsama-sama sa iisang layunin na tugunan ang mga kakulangan sa mapagkukunan sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekondarya. Sinasamantala ang pagkakataon, tinugunan ni Education Undersecretary Epimaco V. Densing III ang nangingibabaw na alalahanin sa sektor ng edukasyon sa bansa sa kanyang talumpati bilang isa sa mga panauhing tagapagsalita ng kaganapan.

Ayon kay Epimaco, “Bago pa man ang pandemya, nagkaroon na ng krisis sa ating sistema ng edukasyon,” Itinampok ni Densing, na responsable para sa mga imprastraktura at pasilidad ng paaralan sa loob ng DepEd, ang mga hamon hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng kalidad ng edukasyon sa bansa. “Nakita ko ang pansamantalang kaayusan na nagsisilbing mga silid-aralan, na may mga estudyanteng pumapasok sa mga klase sa mga gymnasium, tent, nipa hut, o kahit sa labas sa ilalim ng mga puno,” pahayag pa ni Epimaco. Kaya hinimok ni Undersecretary Densing ang Suporta mula sa Iba’t ibang Stakeholder sa gitna ng patuloy na Krisis sa Sektor ng Edukasyon. “Kung hindi natin pagbutihin ang kalidad ng edukasyon ngayon, haharap tayo sa mga problemang pang-ekonomiya sa loob ng 20 taon,” babala ni Densing. “Kung ang mga mag-aaral ay hindi nakaka kuha ng magandang edukasyon o hindi nakapagtapos, maaari silang maging mababa ang kita, sa kalaunan ay makakaapekto ang ekonomiya,” diin pa niya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *