VICE GANDA, SUPORTADO ANG MGA DRAG QUEENS!

VICE GANDA, SUPORTADO ANG MGA DRAG QUEENS!

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

Masaya ang Unkobogable star na si Vice Ganda sa ribbon cutting ng Rampa dahil meron ng maituturing na tahanan ang LGBTQ plus. Tsika nga ni Vice Ganda “Congratulations sa inyo at sa lahat ng mabibigyan ng tahanan na ating mga kapatid sa community. Mga Drag performers natin na napakahuhusay, meron silang bahay kung saan maso-showcase nila ang talent nila at makikita sila ng maraming-maraming tao kasi the world really need to see this kind of performers kaya nakakatuwa na meron silang bagong bahay, kaya punta na kayo sa Rampa”.

Kung saan nagbigay ng pasabog na awitin si Ice Seguerra isa sa owner ng Rampa, gayun din ang Rampa Reynas at The Divine Divas na sina Brigiding, Viñas Deluxe at Precious Paula Nicole na part owner din ng newest and hottest Drag Club sa Bansa. Bukod ka’y Vice Ganda ay dumalo din at nakisaya sina Quezon City Mayor Joy Belmonte , Direk Fifth Solomon, Direk Rayhan Carlos, Direk Jeffrey Hidalgo, Chicsers, Caress Caballero ( Cornerstone ), Morgana, Awin Valencia ( Stagers ), DJ Janna Chu Chu atbp. Ang Rampa ay pag aari nina RS Francisco, Loui Gene Cabel, LGBT advocate and multi awarded business woman, Cecille Bravo, The Divine Divas Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, Brigiding and celebrity couple Ice Seguerra and Liza Diño.

MASAYA ang naging pagdiriwang ng kaarawan ng movie producer na si Baby Go. Kung saan dumalo ang kanyang pamilya at mga malalapit nitong kaibigan sa likod at labas ng showbiz industry. Ilan sa mga celebrities na aming namataan sina Liz Alindogan, Lance Raymundo, Allen Dizon, Keanna Reaves, Janah Zaplan, Bamboo, Direk Louie Ignacio, Direk Joel Lamangan, Direk Adolf Alix, Atty. Ferdie Topacio, Charo Laude, Direk Buboy Tan, Dennis Evangelista, Angelica Jones atbp. Bukod sa wish nito sa kanyang kaarawan na magkaroon ng malusog na pangangatawan sampu ng kanyang pamilya ay wish din niya na mas gumanda pa ang takbo ng movie industry at kumita at tangkilikin ng ating mga kababayan ang kanilang pelikulang AveNida mula sa kanyang BG Productions at pinagbibidahan ng awardwinning actor na si Allen Dizon, mula sa panulat ni Ralston Jover at sa Direksiyon ni Louie Ignacio.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *