SUSPEK SA ‘LARGE-SCALE ILLEGAL RECRUITMENT’, ARESTADO

SUSPEK SA ‘LARGE-SCALE ILLEGAL RECRUITMENT’, ARESTADO

NAARESTO ng mga operatiba ng Pasay City Police Station ang isang lalaking “Illegal Recruiter” umano matapos isilbi ang bisa ng Warrant of Arrest (WOA) nito, naaresto ang Rank 8 (Station Level) Most Wanted Person (MWP), sa Pasadeña Street, Barangay 77, Pasay City, bandang alas-10:30 ng umaga kamakailan. Nakilala ng mga kapulisan ang naarestong suspek na si alyas “Jamil” na 59-anyos.

Ang suspek ay may nakabinbing arrest warrant, dahil sa kasong paglabag na “Illegal Recruitment (Large Scale)” sa ilalim ng Criminal Case No. 2016-0952-D. Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Honorable Presiding Judge Dorothy Jimenez Alarcon-Padilla ng Dagupan City Regional Trial Court Branch 42, na may petsang Enero 22, 2021 na mayroong inirekomendang piyansa. Samantala, kasalukuyang nakakulong ang illegal recruiter sa Custodial Facility ng Pasay City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *