NADINE LUSTRE INAMIN MAHILIG MANGALIKOT

NADINE LUSTRE INAMIN MAHILIG MANGALIKOT

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

NAG-ENJOY ng husto sa kanyang kauna-unahang suspense action thriller series na Road Killers ang actress na si Nadine Lustre. At kahit nga nahirapan ito ng husto sa ilang eksena sa Road Killers katulad ng fight scene nila ni Jerome Ponce na gumaganap bilang si Marco na masyadong mapisikal ay okey lang kay Nadine dahil gustong-gusto niya ang ganitong klaseng proyekto. Kung saan ginagampanan ni Nadine dito ang role bilang si Stacey Sunico, isang mapagmahal na anak na handang pumatay para sa kanyang ama.

At habang ginagawa daw nito ang nasabing pelikula ay naaalala niya ang kanya Daddy Dong Lustre na parang si Bodgie Pascua na gumaganap bilang si Nato ang tatay ni Stacey. “Noong nagsu-shoot nga kami, sabi ko. si Tito Bodjie really reminds me of my Dad. At ‘yung character niya, my Dad is a mechanic din talaga. Like me, I grew-up as a Daddy’s Girl. So ako, mahilig magkalikot din. Na-fascinate ako sa daddy ko na magaling magkalikot ng stuff. Lumaki ako na gano’n just like Stacey. Pero, ang dad ko, hindi naman siya huntsman.” Like Stacey daw ay gagawin ni Nadine ang lahat-lahat para sa kanyang pamilya, pero hindi nito kaya ang pumatay. Ang Road Killers ay hatid ng Studio Viva. Sa direksyon ni Direk Rae Red at mapapanood simula sa Viva One.

No description available.

ENGRANDE at bongga ang naging selebrasyon ng 60th Birthday ng owner ng Aficionado Germany Perfume at Takoyate by Joel Cruz na ginanap sa Aficionado Head Office sa Sampaloc Manila, kung saan nakasabay nitong nagdiwang ng kaarawan si Remar Deleon. Bukod sa napakasap na pagkain at inumin ay nagpa raffle ito ng almost 100 prizes at ilan sa pina-raffle nito ay 1 franchise ng Aficionado Germany Perfume at Takoyatea by Joel Cruz, TV at cash prizes. Kung saan nagperform ang Thuy sa Miss Saigon na si Gerald Santos, Timeless Diva Dulce, Malou Barry, Mayra Mae Meneses at ang mga anak ni sir Joel. Hosted by Ms. Jackielou Blanco. Ilan sa namataan naming bisitang dumalo Julius Babao, Tin Tin Bersola-Babao, Pinky Fernando ( Fernando’s Bakeshop ), Geoff Taylor, Jean Saburit, Miss Universe 1974 Margie Moran, Alvin Fortuna, Dennis Coronel Macalintal, Ynez Veneracion, Richard Hinola, Jiro Custodio, Jobert Sucaldito, Chaps Manansala atbp. At kahit di nagwagi sa raffle ay hindi umuwing luhaan ang mga bisita dahil lahat ay binigyan ng iba’t ibang klase ng Aficionado Products.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *