taliwas sa naglalabasang isyu.. DANIEL PADILLA, SARILING PAG-AARI ANG MGA BINENTANG GAMIT

taliwas sa naglalabasang isyu.. DANIEL PADILLA, SARILING PAG-AARI ANG MGA BINENTANG GAMIT

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'

PARANG ang gulo-gulo ng showbiz simula nang umpisahan ang mga hiwalayan na sunod sunod na sinimulan nga ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Simula nun parang naging magulo na at wala ng katahimikan ang kaliwat kanang showbiz scandal. Tuloy pa rin at parang walang katapusan ang mga kaganapan para sa KathNiel. Mula sa mga ibinentang gamit ni Daniel na natuklasang kay Kathryn pala. Ang ibang mga businesses ni Daniel na nagsara na hanggang sa ang bahay nila sa Commonwealth na for sale na rin daw for 50M. Ang dahilan daw ay may utang si Karla Estrada kay Mommy Min, mother ni Kathryn na tumataginting na 20M. Dun daw kukunin sa pagbebentahang bahay ang ibabayad dun. Pero may mga bagong naglalabasang mga bagong isyu ngayon tungkol sa mga utang daw ni Karla. May mga nagsasabing hindi daw totoo na may utang si Karla kay Mommy Min. Isa pa, yung car daw na binenta ni Daniel ay sarili nyang pera at walang kinalaman dun si Kathryn. Hindi rin daw totoong naghihirap na sina Daniel at Karla. Pero totoo yata na may mga endorsement para kay Daniel na hindi na napunta dito.

Sa pagkakaalam namin, 3 yun. Nakakaloka , di ba? Habang pinaguusapan pa iyan at wala pang naririnig sa kampo nina Kathryn, nagrenew na ng contract si Kath sa ABS CBN Star Magic last February 2 kung saan andun lahat ng mga bosses ng Kapamilya network. Since bagong Kontrata , may sey na si Kath kung anong teleserye at pelikula ang gusto niyang gawin pati sa pagpili ng leading men ay sya na rin ang masusunod. Wala na daw sinumang magdidikta sa kanya kung sino ang gusto nyang makapareha. Sa March na raw uumpisahan ang una sa malalaking proyekto ni Kath sa ABS CBN at Star Cinema, ang Elena 1944 at may nagsasabing it’s either Piolo Pascual or Jericho Rosales ang makapareha ng Asia’s Superstar. Ayun!

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *