DONNY PANGILINAN, LIBONG FANEY ANG NAGING KA-VALENTINE DATE

DONNY PANGILINAN, LIBONG FANEY ANG NAGING KA-VALENTINE DATE

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.
No description available.
No description available.

PINASAYA ng Kapamilya hearthrob Donny Pangilinan nang hilingin nito sa may-ari ng Quick Fx, ang kanyang ini-endorsong skin care product na itaon sa February 14, Valentine’s Day ang kanyang launching. Bagama’t solo at di kasama ang kapareha sa seryeng Can’t Buy Me Love, na si Belle Mariano, dinumog pa rin ng libo-libo nilang fans ang kick-of event ng nasabing pimple eraser products. Isa sa highlights ng programa ay si Donny being part of a Quick Match game with his fans. Tatlo sa kanyang mga fans ang napili para i-match kung paano nila alagaan ang kanilang skin at nag-match ang kanilang sagot for Donny’s personal skin care preferences.

Pinasaya ni Donny ang lahat ng dumalo dahil nagkaroon ng raffle draw at Ilang masuwerteng nanalo ng prizes at marami ding nabigyan ng photo opportunity with Donny. Nagkaroon din ng Dance challenge at segment kung saa’y nag-offer ng mahahalagang tips on date-ready skin care. Kasunod nito ang Interact session led by brand manager, Ms. Charles Jabaguero at Dr. Jarische Lao-Ang, parehong dermatology expert. Bilang pasasalamat namigay si Donny ng mga tokens sa mga fans na mas piniling makasama si Doony sa kanilang V-Day get-together. Very generous talaga ang guwapong actor dahil di lang tokens ang gibsung dahil may pa-red roses pa si Donny sa mga fans bilang p√†gmamahal sa walang sawa nilang suporta sa kanyang mga projects.

DANIEL PADILLA, HINDI NAKITAAN NG PAGSISISI

KASUNOD ng renewal of contract ng Asia’s Superstar, Kathryn Bernardo last February 2, nagkaroon din ng contract signing ang ex ni Kathryn na si Daniel Padilla nitong February 12 na ginanap sa ABS CBN. Present sa contract signing ang mga big boss ng network na kinabibilangan ng Chief Operating Officer o COO Cory Vidanes, ABS CBN president Carlo Katigbak, Chairman ng ABA CBN, Mark Lopez, Laurenti Dyogi,head ng Star Magic, Karla Estrada,Daniel’s mom and co-manager, at Luz Bagalacsa, Deej’s R.M. Gaya ni Kathryn, nagbigay din ng mensahe ang iba’t ibang direktor na nakasama ni Daniel in his 15 years journey sa Kapamilya gaya nina Direk Cathy Sampana, Olive Lamasan at iba pa. Hindi rin nakalimutan pasalamatan ni Daniel Ang kanyang reel-and-real partner Kathryn Bernardo dahil aniya’y bahagi ang actress kung saan bahagi ito kung anuman ang kanyang narrating sa ngayon.

Aniya, hinding-hindi daw niya puwedeng kalimutan si Kathryn, “Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories, at ating mga adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much!”, mensahe ng actor. Subali’t tila pinalagan ng Ilang netizens ang pahayag ni Daniel sa ilang nag-interbyu sa kanya after signing the contract. Sabi ng Ilang netizens, hindi naman daw siya nakitaan ng pagsisisi sa ginawa niyang panloloko kay Kathryn. Ang di matanggap ni #justalurkersomewhere ay ang sinabi umanonng actor na kagustuhan daw ng diyos ang nangyari sa kanila ni Kathryn. Sabi ng nabanggit nating netizen “Showing ni remorse at all. Cheating is a choice.. ‘Wag isisi sa plano ni God!”, Ani justalurkersomewhere.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *