TEEJAY MARQUEZ MINSANG NABALIW SA PAG IBIG!

TEEJAY MARQUEZ MINSANG NABALIW SA PAG IBIG!

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

UNFORGETTABLE daw para sa international pinoy actor na si Teejay Marquez ang nauna niyang relasyon sa babaeng kanyang minahal dahil naging bulagbulagan daw ito sa pag ibig at ipinagpalit ang kanyang pamilya sa taong mahal niya. Tsika nga ni Teejay ng mag guest ito sa show ni Kuya Boy Abunda ( Fast Talk ),na nang pinagbawalan daw sila ng pamilya ng babae na magkita, kaya napilitan siyang magtago sa trunk ng isang taxi para lang makapasok sa village kung saan nakatira ang girl. At kahit nga ayaw ng mga pamilya nila sa relasyon nila ay ipinagpatuloy nila ito at ipinaglaban pero ang kanilang masalimuot na relasyon ay nauwi din sa hiwalayan. Sa ngayon ay pahinga muna sa Teejay sa pag ibig at mas binibigyan ng focus ang kanyang booming career, kung saan bukod sa mga pelikulang ginagawa nito ay regular din itong napapanood gabi gabi sa Makiling ng GMA 7 at abala din ito sa mga mall at provincial shows. Isa pa nga sa pinagkakabalahan nito ang kanyang matagumpay na negosyo ang Good Skin Serum and Soap.

Napaka-matagumpay ang ginawang Chinese New Year party at 1st Anniversary ng kanyang 7 storey building ng CEO & President ng Beautéderm na si Rhea Tan kasama ang kanyang mga celebrity ambassadors na ginanap sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City. Kung saan dito ay nagbigay ng tips si Rhea kung paano maging successful sa pagnenegosyo. “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”

At ang meaning naman daw ng success para kay Rhea, “When you see that the community you’re supporting thrives, I count that as personal success. Nagkaroon din ng tsansang makita at malibot ng mga guest at celebrities ang 7 storey building ni Rhea. Ilan sa mga Beautederm ambassadors na dumalo sina Sylvia Sanchez, Sam Milby,Darla Sauler, DJ Jhai Ho , Gillian Vicencio, Kimson Tan, Ervic Vijandre,Ann Feo. Carlo Aquino, Alma Concepcion, Sunshine Garcia, Patricia Tumulak, at Ynez Veneracion.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *