GRETCHEN BARRETTO, WALA PA SA PLANO ANG MAGBALIK-SHOWBIZ

GRETCHEN BARRETTO, WALA PA SA PLANO ANG MAGBALIK-SHOWBIZ

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

HINDI man masasabing perpekto ang takbo ng buhay ni Gretchen Barretto, ay masaya siya ngayon. Hindi muna importanteng bumalik siya sa showbiz, dahil kailangang lagi siya sa tabi ng kanyang karelasyon at mayamang businessman na si Mr. Tony Boy Cojuangco. Happy rin ang magandang aktres, dahil magkakaroon na siya ng apo mula sa anak nila ni Mr. Tony Boy, na si Dominique. Hindi makakalimutan ni Gretchen ang showbiz, dahil sumikat siyang talaga sa pag-aartista. Maraming kumukumbinsi na magbalik-akting siya, pero hindi pa niya ulit magawa. Sa ngayon ay sobrang hinahanap na siya ng kanyang mga tagahanga. Medyo matahimik kasi ngayon ang mundo ni Gretchen. May mga panahong dumidestansiya siya sa social media, lalo pa’t napansin din ni Gretchen na grabe ang intriga sa socmed at hindi nakakaaliw ang mga bashers. Palaban ang magandang aktres, at minsan ay pumapatol siya sa mga nang-iintriga sa kanya. Aksaya din iyon sa panahon, kaya para sa katahimikan, siya na ang dumidestansiya sa social media.

No description available.

PATOK na patok pa rin talaga sina Cristy Fermin at Boy Abunda pagdating sa mga paghahatid ng mga bagong kaganapan sa buhay ng mga artista sa showbiz. Nagkahiwalay na sina Cristy at Boy sa kanilang mga programa. May “Cristy Per Minute” si Fermin at may “Fast Talk With Boy Abunda” ang tinaguriang King of Talk sa GMA-7. One year na sa ere ang high rating program ni Boy sa GMA-7 at bumibilang na rin ng ilang taon ang mga programa ni Cristy, na tinaguriang Bagong Reyna ng mga Intriga pagkatapos ng Original na Reyna ng Intriga, na si yumaong Lourdes Carvajal o mas kilalang Inday Badiday or Ate Luds sa buong showbiz noon. Dahil sa mga balitaan at kuwentuhan ay masarap na pag-usapan ang mga kaganapan sa showbiz, ay hindi talaga kumukupas ang galing at istilo nina Cristy at Boy sa paghahatid ng mga balitang-showbiz. Pareho na nga silang laging iniintriga ng mga bashers nila sa showbiz. Na para bang sina Fermin at Abunda ang nagpapasimula ng mga intriga sa mga artista, samantalang naglalahad lang naman sila ng mga maiinit na kaganapan sa showbiz.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *